Ang pagkakaroon ng mabahong hininga ay nakakahiya at isang malaking turn off sa ating mga partner o asawa. Paminsan minsan, ang pagkakaroon ng mabahong hininga o bad breath ay panandalian lamang subalit maari din itong magtuloy tuloy sa matagal na panahon.
Kapag hindi matanggal tanggal ang inyong bad breath matapos mag-sipilyo. Subukan ninyo itong limang paraan kung saan makakatulong upang mawala ng mabahong hininga:
1. Gumamit ng Mouthwash
Ang pag gamit ng mouthwash ay isang epektibong paraan para mawala ang mabahong hininga ngunit sandali lamang ito na umaabot lamang ng 20 minuto hanggang 2 oras. May mga mouthwash na nakakap4tay ng bakterya sa loob ng bibig kaya ito nakakatulong na makatanggal ng mabahong hiniga.
2. Linisin ang dila
Alam niyo ba na ang pangunahing nakakabaho ng hininga ay ang hindi paglinis ng inyong dila. Lahat ng mikrobyo ay maaring mapunta sa ating dila at kapag ito ay hindi ninyo nalinisan, maaari itong maging sanhi ng mabahong hininga. Gamitin ang toothbrush at linisin ito ng may palabas na mosyon upang mawala ang mga dumi.
3. Uminom ng maraming tubig
Ang pagkakaroon ng dry mouth o tuyong bibig ay isang dahilan ng mabahong hininga. Ang natural na antibacterial na taglay ng ating mga laway ay tumutulong upang linisin ang bibig kaya mas importante uminom ng tubig upang hindi ito matuyo.
4. Lemon Water
Ang paginom ng lemon water ay isang paraan para mawala ang bad breath dahil ito ay may acidic content na nakakapagpa-iwas ng bakterya sa ating bibig. Ito rin ay may mabangong amoy na maaring matakpan ang mabahong hininga.
5. Bumisita sa iyong dentista
Karamihan sa mga Pilipino ay limitado lamang ang mga pumupunta sa dentista upang magpacheck ng ngipin. Ang regular na pagpunta sa dentista ay makakatulong upang mawala ang bad breath dahil malilimitihan ang pagkakaroon ng bulok na ngipin at matanggal ang mga matigas na dumi na dumikit sa ngipin.
Comments
Post a Comment