Ang stroke ay isang medikal na kondisyon na kung saan ang daloy ng dugo sa utak ay nahihinto at nagreresulta sa pagkamatay ng mga brain cells. Ang taong tinamaan ng stroke ay pwedeng magkaroon ng panghabang-buhay na kapansanan o komplikasyon at pwede niya rin itong ikamatay.
Sino ang pwedeng tamaan ng stroke?
Hindi lang mga mga matatanda na nasa edad na 65 pataas ang pwedeng tamaan ng stoke. Pwede ring taamaan ang mga nasa edad 65 pababa. At isa ang pagkakaroon ng mataas na presyon at paninigarilyo sa mga dahilan kung bakit na-iistroke ang isang tao.
Kaya naman bago pa ito tuluyang makaapekto ay dapat alamin ang mga 5 warning signs na ito ng stroke upang maagapan kaagad!
1. Matinding pananakit ng ulo
Dahil ang utak ang apektadong parte, ang taong tinamaan ng stroke ay nakakaranas ng matinding pananakit ng ulo na hindi kagaya sa simpleng migraine lang.
2. Panghihina at pagmamanhid ng braso
Ang taong nakakaranas ng stroke ay mayroong hindi maipaliwanag panghihina at pagmamanhid, partikular sa isang side lang kanyang katawan gaya ng sa braso. Mainam na itanong sa taong na-iistroke kung kaya ba niyang itaas ang kanyang kamay sa taas ng kanyang ulo. Kung hindi, tumawag na agad ng doktor.
3. Pagkalito at hindi maintindihan ang pagsasalita
Sa stroke, may mga parte ng utak ang naapektuhan kaya ang isang indibidwal ay nagkakaroon ng problema sa kanyang pananalita at pag-intindi. Ang taong na-iistroke ay nagiging bulol at minsan ay hindi na talaga makapagsalita.
4. Nawawalan ng balanse
Nararanasan ng taong may stroke ang kawalan ng paningin sa isa o sa dalawang mata o kaya naman ay dumodoble ang kanyang nakikita. Kaya naman ito ang dahilan kung bakit nawawalan sila ng balanse at natutumba.
5. Facial drooping
Ang facial drooping ay isang kundisyon na kung saan ang mukha ng isang tao ay hindi na nagiging pantay. Kapag pinangiti mo siya, isang side lang ng mukha ang gumagalaw samantalang ang isang side ay hindi.
Paano iwasan ang stroke?
- Magkaroon ng tamang diet. Bawasan ang pagkain ng maalat at matataba.
- Magehersisyo araw araw
- Tumigil na sa paninigarilyo
- Iwasan na ang sobrang paginom ng alak
- I-monitor ang blood pressure o presyon
Comments
Post a Comment