Ang Malunggay ang pinaka kilalang "king of super foods" dahil marami itong benepisyo para sa ating katawan o kalusugan.
Mayaman sa iba't ibang bitamin ang malunggay kaya naman ito ay maganda para sa mga bata at sa mga nanay. Ito ay isang halaman na kilala dahil sa mga health benefits at good minerals na makukuha sa pagkain nito.
Ano ang mga benepisyo ng pag inom ng malunggay tea:
1. Paggamot sa Diabetes, sakit ng ulo at lagnat
Ang Malunggay ay mabisa sa pagpapababa ng blood sugar level para sa mga diabetic na tao. Nilalabanan din nito ang iba't ibang bakteriya sa ating katawan upang makaiwas sa sakit ng ulot, lagnat o hika.
2. Pantagal ng Rayuma
Ang mga may kondisyon na rayuma ay maaring maibsan sa pag inom ng malunggay tea araw araw. Maglaga ng dahon ng malunggay at inumin ang katas nito araw araw.
3. Pampagaling ng sugat
Ang Malunggay ay nakakatulong upang mapagaling ang mga sugat, pasa o rashes sa katawan. May mga nagtatapal din ng pinakuluang dahon ng malunggay sa mga sugat upang magsara ang mga sugat at gumaling ito dahil mayaman ito Vitamin A, C at E.
4. Pampaganda ng buhok
Ang malunggay ay punong puno ng bitamina at amino acids na nakakatulong sa pagkakaroon ng keratin o protein sa buhok. Ang pag inom ng malunggay tea ay nakakatulong upang patibayin ang ating hair roots.
5. Nakakatulong palakasin ang atay at kidney
Ang dahon ng malunggay ay may mga detoxifying potential na nakakatulong sa atay at kidney ng isang tao. Ang pag inom ng tea ay mas makakatulong na idetoxify ang lahat ng toxins sa ating katawan.
6. Pangprotekta ng mata
Ang Malunggay ay mayaman sa Vitamin A na nakakatulong sa pag protekta ng ating mata. Karamihan sa atin ngayon ay nakasuot na ng mga salamin dahil marami sa atin ang mapula na ang mata dahil sa pagtutok sa gadgets o Tv. Umpisahan ang pag inom ng malunggay tea habang bata pa upang maprotekta ang iyong mata.
Thanks for a good information.
ReplyDelete