Ang Stress ay may iba't ibang masamang epekto sa ating katawan. Ito ang karaniwang sanhi ng pagiging iritable, moody at depresyon sa isang tao. Ang epekto ng stress sa ating katawan ay hindi maganda dahil sinisira nito ang ating pag iisip. Maaring magdulot ito ng anxiety, heart attack, altapresyon o maaring maging sanhi ng cancer.
Maraming paraan para mawala o mabawasan ang stress sa inyong buhay. Subukan ninyo itong 6 na simpleng paraan para matanggal ang inyong stress:
1. Meditation
Isang paraan para mawala ang stress ay ang pag memeditate. Ang ilang minuto na pagmemeditate ay nakakabawas ng stress dahil ito ay nagbibigay ng ginhawa sa ating mga isip. Umupo ng maayos, ipikit ang inyong mga mata at magisip ng masasayang bagay. Ulitin mo ito 3 beses sa isang araw sa loob ng 5-10 na minuto.
2. Deep Breathing
Kung napapansin niyo na unti unti ninyong nararanasan ang stress, huminga ng malalim ng ilang minuto upang maging stable ang inyong pagiisip. Ang pagdeep breathe ay isang simpleng paraan para mawala ang stress dahil ito ay nakakapagpakalma ng ating isip at puso.
3. Humingi ng tulong
Lumapit sa inyong partner, pamilya o kaibigan at sabihin lahat ng inyong problema o nararamdaman. Ang paghingi ng advice sa inyong mga mahal sa buhay ay isang paraan para mawala ang stress dahil sila ang makapagbibigay ng comfort sa inyong mga sarili. Ang simpleng pagsabi lamang ng problema ay epektibo upang maging kalmado ang ating isip.
4. Makinig ng musika
Nakakatulong ang pakikinig sa masayang musika upang mawala ang ating mga iniisip. Subukan na makinig ng mga musika na lively at masigla. Maari ka rin magpunta sa mga live band o concert upang matanggal ang stress na nararamdaman mo.
5. Magbakasyon
Kung ang dahilan ng inyong stress ay pera, maraming paraan para makapagbakasyon ng walang pera o may sinusundan na budget. Ang simpleng pagbisita sa inyong mga mahal sa buhay ay makakatulong sa inyong isip o utak para maging kalmado. Kung kayo naman ay may budget, maari kayong magbakasyon sa iba't ibang lugar kasama ang mga mahal sa buhay o magisa upang makapagisip ng maayos.
6. Isulat ang inyong mga problema
Isang simple at epektibong paraan ay ang pagsulat ng inyong mga problema sa isang papel at pagsolusyon nito isa isa. Kumuha ng papel at isulat ang lahat na nagpapagulo sa inyong isip, isulat kung anong solusyon ang sa tingin niyo na maaring mangyari para sa inyong mga problema. I-cross out lahat ng solusyon na hindi uubra at isipin kung ano ang tamang desisyon para sa mga problema na ito. Makakatulong ito upang mawala ang anxiety o stress sa inyong katawan.
Comments
Post a Comment