Ang mangosteen ay isa sa mga seasonal fruits dito sa Pilipinas na bukod sa napakasarap ay napakayaman pa sa bitamina. Kaya naman di nakakapagtaka, na ginawan na ito ng tsaa, juice, kape, capsules at marami pang iba.
Ang prutas na ito ay sagana sa antioxidants na kayang gamutin ang mga nasirang selula o cells ng katawan upang mapabagal ang proseso ng pagtanda.
Narito ang mga benepisyo ng mangosteen sa ating katawan:
1. Tumutulong palakasin ang immunity
Dahil mayaman ang mangosteen sa antioxidants, kaya nitong palakasin ang immunity at resistensya ng katawan laban sa mga sakit. Ito rin ay mayaman sa Vitamin C.
2. Pinapaganda ang kondisyon ng puso
Nakakatulong ang mga antioxidants na matatagpuan sa mangosteen upang labanan ang mga cardiovascular na sakit gaya ng heart disease. Pinapatatag nito ang depensa ng heart muscle laban sa heart attacks. Pinapababa rin ang tyansang magkaroon ng stoke at mga tumor.
3. Nakakatulong magpabawas ng timbang
Ang prutas na ito ay mataas ang water at fiber content at mababa ang calories at cholesterol. Kaya naman kahit kainin mo ito ng maramihan ay hindi ka tataba sa halip ay agad ka pang mabubusog.
4. Prebensyon para sa diabetes
Nakakatulong ang mangosteen na pababain ang cholesterol level ng iyong katawan upang hindi ka magkaroon ng diabetes.
5. Inaayos ang tamang daloy ng dugo
Para sa mga taong may anemia, mainam ang pagkain ng mangosteen araw-araw. Dahil pinapaganda nito ang tamang daloy ng dugo at pinapaluwag ang mga ugat sa katawan.
6. Pang-iwas sa tuberculosis
Dahil sa antibacterial at antifungal properties nito, tinutulungan nito ang katawan na palakasin ang immune system laban sa TB.
7. Mabisa sa dumudugong gilagid
Noong unang panahon pa ay ginagamit na ang mangosteen bilang traditional oral medicine at mouthwash. Ang pagpahid ng gel na gawa sa mangosteen ay mabisa sa paggamot ng dumudugong gilagid.
Comments
Post a Comment