
Ang mga tonsils ay ang mga glands na matatagpuan sa likod ng iyong lalamunan. Ito ay nagsisilbing panangga ng katawan laban sa impeksyon. Ngunit kapag may nakapasok na virus o bakterya sa iyong katawan, maaaring magresulta ito sa pagkakaroon ng tonsilitis.
Ito ay isang nakakahawang sakit dahil maaaring kumalat ang virus na streptococcus, ang kadalasang nagdudulot ng pamamaga ng mga tonsils.
Sintomas ng tonsillitis:
- hirap o masakit na paglunok
- sore throat
- nilalagnat
- pamamaga at pamumula ng iyong mga tonsils
- pagka-paos
- mabahong hininga
- pananakit ng tenga
- pamamaga ng panga
Mga paraan paano ito gamutin:
1. Magmumog ng maligamgam na tubig na may asin
Mabisa ang pagmumu-mog ng maligamgam na tubig na may asin upang mawala ang pananakit at pamamaga ng iyong mga tonsils. Makakatulong din itong labanan ang impeksyon.
Paano gamitin: Maghalo ng kalahating kutsarita ng asin sa isang basong maligamgam na tubig. Ihalo hanggang matunaw ang asin. I-gargle ito ng ilang beses. Saka magmumog ng tubig sa huli.
2. Uminom ng honey
Mabisa ang honey dahil mayroon itong anti-bacterial properties na makakatulong upang mabawasan ang pananakit ng iyong mga tonsils. Iniinom din ito ng taong may makating lalamunan.
Paano gamitin: Uminom ng isang kutsarang purong honey kung nararamdaman mong makati ang iyong lalamunan. Pwede mo rin itong idagdag sa iyong tea.
3. Inumin o magmumog ng Apple Cider Vinegar
Nakakatulong ang apple cider vinegar upang patayin ang mga virus na sanhi ng tonsillitis at pagandahin ang kondisyon ng iyong lalamunan.
Paano gamitin: Maghalo ng tig-isang kutsara ng apple cider vinegar at honey sa isang tasang maligamgam na tubig. Pwede mo itong inumin na paraang tsaa o gawin itong pang-mumog.
4. Gumamit ng mga throat lozenges
Ito ay mga parang mga matigas na kendi na mabibili sa mga botika na gawa para sa mga may sore throat. Mabisa ito upang mawala ang pagkairita at pangangati ng lalamunan.
Paano gamitin: Sipsipin lang ang kending ito. Ngunit, sundin ang dosage na nakasulat sa pakete kung ilang beses mo ba dapat ito iinumin o kakainin.
5. Gumawa ng salabat gamit ang luya
Mabuti sa ating lalamunan ang pag-inom ng salabat na gawa sa luya. Dahil kaya nitong bawasan ang pangangati at pagkairita ng iyong lalamunan dahil sa anti-bacterial properties nito.
Paano gamitin: Balatan ang kalahating luya sa hiwain ito sa maliliit na piraso. Pakuluan ito sa 2 tasang tubig sa loob ng 3-5 minuto upang lumabas ang manilaw-nilaw na katas nito. Palamigin ng kaunti at pwede mo nang inumin.
6. Uminom ng lemon juice
Ang lemon ay mayroong antibacterial, antiviral at anti-inflammatory na sangkap na makakatulong upang gamutin ang impeksyon at pamamaga ng iyong mga tonsils. Ang mataas na vitamin C content ng lemon ay mabisa rin panlabas sa mga impeksyon sa katawan.
Paano gamitin: Magpiga ng lemon sa isang tasang tubig. Pwede kang maglagay ng 1 kutsaritang honey o butil ng asin upang mabawsan lang asim. Haluing mabuti at inumin ng dalawang beses sa isang araw hanggang mawala ang iyong tonsillitis.
7. Gumamit ng humidifier sa inyong kwarto
Ang air humidifier or vaporizer ay nakakatulong gawing mamasa-masa ang hangin at maiwasan ang dry na hangin sa loob ng isang kwartong naka-aircon. Nakakatulong din ito upang makahinga ka ng maaayos dulot ng baradong ilong.
8. Magpahinga ng madami
Kadalasang nilalagnat ang taong mga tonsillitis, lalo na sa mga bata. Kaya siguraduhing magkaroon ng sapat na pahinga upang mapa-bilis ang pag-recover ng iyong katawan.
Paano po Kung Bata Ang my tonsillitis..?
ReplyDelete