
Ang gout ay isang uri ng arthritis kung saan namamaga ang mga kasu-kasuan partikular sa hinlalaki ng paa, kamay at tuhod. Nagkakaroon ito ng pamamaga, pamumula, at napakasakit na pakiramdam na kaya kang gisingin sa gabi kung umatake ito.
Nararanasan ang gout dahil sa pagbuo ng uric acid crystals sa iyong mga joints. Kaya naman sumasakit ang mga ito at namamaga.
Karaniwang ginagamot ito sa pamamagitan ng pag-inom ng pain killers na iniriseta ng iyong doktor. Pero meron din ibang paraan upang mabawasan ang pag-atake at pagsakit nito. Narito at alamin ninyo!
1. Lagyan ng ice pack/ yelo
Ibalot ang yelo sa isang manipis na tela o gumamit ng ice pack saka ilagay ito sa apektado parte sa loob ng 20- 30 minutos maraming beses sa isang araw. Ang paglalagay nito ay nakakapagpabawas sa pananakit at pamamaga ng apektado joints.
2. Itaas ang namamagang bahagi
Habang nakahiga sa kama, itaas ang apektadong parte gamit ang unan bilang suporta. Makakatulong ito na magkaroon ng maayos na sirkulasyon at mabawasan ang pamamaga.
3. Uminom ng maraming tubig
Makakatulong ang pag-inom ng maraming tubig upang ma-flush palabas ang pagbuo ng uric acid crystasl sa iyong mga kasu-kasuan at maiwasan ang pagkakaroon ng kidney stones, isang sakit na nagiging sanhi ng pagkakaroon ng mataas na uric acid levels. Uminom ng 8 na baso o higit pa.
4. Iwasan ang mga pagkaing mataas ang purine
Ang purine ay karaniwang nakikita sa mga pulang karne, laman loob gaya ng atay at puso, seafoods gaya ng hipon at sardinas. Iwasan ang pagkain ng mga ito dahil habang tinutunaw ng iyong katawan ang purine ay tumataas lang ang uric acid sa iyong katawan na pwedeng maging sanhi ng gout.
5. Umiwas sa alak
Makakabuti na umiwas sa pag-inom ng alak gaya ng beer dahil mataas ito sa purine. At pinipigilan nito ang paglabas ng uric acid sa iyong katawan.
6. Uminom ng Vitamin C
Nakakatulong ang paginom ng vitamin C upang mailabas ng iyong kidneys sa pamamagitan ng pag-ihi ang pagbubuo ng uric acid sa iyong katawan.
7. Limitahin ang pag-galaw ng apektadong bahagi
Mas makakabuti kung ipahinga muna ang apektadong bahagi at iwasan muna ang pag-galaw nito dahil pwede lang nitong palalain ang sakit. Mabuti rin na gumamit ng tungkod bilang pang-suporta sa iyong paa upang mabawasan ang pressure sa iyong mga joints.
8. Magpasuri sa iyong doktor
Magpasuri sa iyong doktor sa loob ng 24 oras simula ng pag-atake ng iyong gout upang maiwasan na ang paglala nito.
Comments
Post a Comment