Ang sakit na diabetes ay pwedeng namamana. Ngunit pwede ka rin magkaroon nito kung mali ang iyong diet, kulang sa ehersisyo, at sa paraan ng pamumuhay o lifestyle.
Kadalasang hindi binibigyan ng pansin ang mga nararamdamang ito sa katawan. At ang hindi alam ng karamihan na warning signs na pala ito na mataas ang iyong blood sugar level.
Narito ang mga senyales na dapat mong tutukan na sinasabing mataas ang iyong sugar sa katawan!
1. Pag-ihi ng madalas
Normal sa isang tao na kung nakainom ng maraming tubig bago matulog ay laging maiihi. Ngunit kung ang pag-ihi mo sa gabi ay nakakagambala na sa iyong pagtulog, maaaring warning sign na ito na mataas ang iyong sugar level sa katawan.
2. Palaging gutom
Dahil sa pagtaas ng iyong blood sugar, tataas ang tyansa mong magutom at ikaw ay mapapakain. Dulot ito ng pagbabago ng iyong glucose level kaya laging mong hahanapin ang pagkain.
3. Madaling mauhaw
Dahil sa kadalasang pag-ihi, nadedehydrate ang iyong katawan kaya madali ka ring mauhaw. Mainam na uminom ng maligamgam na tubig at huwag malamig.
4. Panunuyo ng iyong bibig
Kung mabilis ma-dehydrate ang iyong katawan, magiging tuyo rin at dry ang iyong bibig.
5. Biglaan pagbaba o pagtaas ng timbang
Magkakaroon ng reaksyon sa iyong katawan kung saan ang mga protina ay labis na magagamit ng iyong mga masel na magdudulot ng pagkagutom at pwede kang mangayayat. Dahil ang insulin sa iyong katawan ay hindi makapagbigay ng glucose sa iyong mga selula o cells.
6. Labis na pagkapagod
Ang kawalan ng glucose sa iyong katawan ay nagreresulta sa madaling pagkapagod. Pwede ring dahilan ang pagkakaistorbo ng iyong tulog dahil sa palagiang pag-ihi sa gabi kaya hindi makapagpahinga ng maayos ang iyong katawan.
7. Matinding pananakit ng ulo
Dahil sa sobrang pagtaas ng iyong blood glucose, pwede kang makaranas ng matinding pananakit ng ulo. Ito rin ay isa sa mga maagang senyales ng hyperglycemia o ang pagkakaroon ng mataas na sugar.
8. Problema sa paningin
Isa ito sa mga rason kung bakit nabubulag ang ibang taong mayroong diabetes. Dahil ang pagtaas ng iyong sugar ay pwedeng baguhin ang hugis at lente ng iyong mga mata na nagreresulta sa panlalabo ng paningin at pagkabulag.
Comments
Post a Comment