Isang nakakahiyang problema ang pagkakaroon ng mabahong paa. Ito ay isang karaniwang kondisyon na tinatawag na bromodosis. Ang pagkakaroon ng mabahong paa ay sanhi ng sobrang pagpapawis ng paa na nagiging breeding site ng mga bakterya kaya nagkakaroon ng mabahong amoy.
Minsan ang dahilan ng pagbaho ng paa ay dahil na rin sa hindi mabuting paglilinis nito at sa uri ng sapatos na sinusuot.
Narito ang mga solusyon upang matanggal ang pagbaho ng iyong paa!
1. Salt Bath
Kaya nagkakaroon ng mabahong amoy ang iyong paa ay dahil sa mga bakterya na nabubuo sa iyong balat at mga kuko. Para alisin ang mga bakterya, ibabad ang iyong paa sa isang palanggana na may kalahating tubig at isang tasang asin. Pwede rin itong lagyan ng kaunting suka para mas epektibo sa pagpatay ng bakterya.
2. Maglagay ng baking soda sa mga sapatos
Mabisa ang baking soda sa pantanggal ng amoy at kayang i-absorb ang moisture sa iyong mga sapatos. Kaya kung hindi mo gagamitin ang iyong sapatos. polbohin ang loob nito gamit ang baking soda. Pwede ring lagyan ang iyong paa bago magsuot ng medyas.
3. Paarawin ang mga sapatos
Makakatulong ang pagpapaaraw ng iyong mga sapatos upang mamatay ang mga bakterya na nagiging sanhi ng mabahong amoy.
4. Lemon Bath
Nakakatulong ang natural na acidity ng lemon upang balansehin ang ph levels ng iyong katawan at kontrolin ang amoy ng iyong paa. Maghiwa ng 2-3 lemon at ibabad ito sa isang palanggang may maligamgam na tubig. Ilublob ang iyong mga paa. Gawin ito dalawang beses sa isang araw.
5. Labhan ang iyong mga sapatos
Dapat lang na labhan ang iyong mga sapatos kung madumi at mabaho na ang mga ito upang mawala ang mabahong amoy. Isprayin ng rubbing alcohol ang loob upang mamatay ang mga mikrobyo.
6. Panatilihing maiksi ang mga kuko
Sa paraang ito, maiiwasan ang pagpupugad ng mga mikrobyo sa ilalim ng iyong kuko na pwedeng magdulot ng mabahong amoy.
7. Hugasang mabuti ang mga paa
Hugasan ng mabuti ang iyong paa, talampakan, at pagitan ng iyong mga daliri gamit ang sabon upang matanggal ang mga dumi, pawis, mabahong amoy, at mga bakterya. Pagkatapos ay patuyuing mabuti bago magsuot ng sapatos.
8. Maghilod
Marapat lang na i-exfoliate ang iyong paa upang mawala ang mga dead skin cells/ kalyo na pwedeng maging sanhi rin ng pagkakaroon ng mabahong amoy. Gumamit ng pumice stone o exfoliating scrub upang lumambot ang balat sa iyong paa.
9. Magsuot ng medyas kung gagamit ng closed shoes
Isang dahilan ng pagpapawis ng paa ay dahil sa uri ng sapatos na sinusuot gaya ng mga closed shoes dahil walang sapat na hangin na pumapasok dito. Upang maiwasan ang pagpapawis at pagbaho, magsuot ng malinis at antibacterial na medyas.
Comments
Post a Comment