Ang pagkakaroon ng bad breath o mabahong hininga ay talaga namang nakakahiya at nakakapagpabawas ng kumpyansa sa sarili. Hindi mahirap solusyonan ang problema sa pagkakaroon ng mabahong hininga. Sa katunayan, ang pagkakaroon ng tamang oral hygiene at pagbabago sa iyong lifestyle ay isa sa mga simpleng hakbang upang mawala ng tuluyan ang iyong bad breath.
Narito ang mga solusyon na dapat mong sundin kung gusto mong mawala ang iyong mabahong hininga!
1. Magsepilyo pagkatapos kumain
Upang matanggal ang mga naiwang pagkain at mapigilan ang pagdami ng bakterya sa iyong bibig, ugaliin magsepilyo ng 2 minuto, tatlong beses sa isang araw. Ngunit iwasang ibrush ang ngipin ng madiin.
2. Gumamit ng dental floss
Mayroong mga pagkain na sumisiksik sa gitna ng mga ngipin na hindi natatanggal sa pagtu-toothbrush lang. Kinakailangang gumamit ng floss upang alisin ang mga tinga sa iyong ngipin dahil maaaring mabulok ang mga ito at maging sanhi ng bad breath.
3. Gumamit ng antibacterial mouth wash
Upang mas mapahaba ang oras ng pagkakaroon ng "fresh" breath, magmumog ng mouthwash pagkatapos magsepilyo.
4. Iwasan ang pagkain ng sili, sibuyas at bawang
Kung ayaw mong magkaroon ng mabahong hininga, umiwas sa mga pagkaing ito dahil mayroon silang matatapang na amoy matapos kainin. At kahit nagsepilyo ka na ay pwede pa ring tumagal ang amoy nito sa iyong bibig.
5. Iwasan ang paninig@rilyo
Ang paghithit ng sig@rilyo ay nakakabaho ng iyong hininga. Namamantsahan din ang ngipin ng "tar" ng sigarilyo kaya nagkakaroon ng pangingitim o paninilaw ang mga ngipin.
6. Iwasan ang pagkain ng longganisa o sardinas
Ang mga pagkain ito, kahit ilang oras na ang nakalipas ay nananatili pa rin ang amoy kung ikaw ay dumighay. Iwasan ang mga ito kung gusto mong mapanatiling mabango ang iyong bibig.
7. Uminom lang ng tubig
Ang pag-inom ng mga inumin gaya ng softdrinks, iced tea, al@k, at kape ay nakakapagdulot ng mabahong hininga dahil ang latak o residue nito ay naiiwan sa bibig. Ugaliing uminom lang ng tubig upang maging malinis ang iyong bibig. Pwede kang maglagay ng dahon ng mint sa iyong tubig upang mas lalong maging fresh ang iyong bibig sa buong araw.
8. Suriin kung mayroon kang tonsil stones
Ang mga tonsil stones ay ang mga puti o manilaw-nila na debris ng pagkain na tumigas at dumikit sa iyong mga tonsils. Ang pagkakaroon nito ay sadyang nakakapagpabaho ng iyong hininga. Pwede mong tanggalin ito sa pamamagitan ng pagsungkit ng dahan-dahan gamit ang cotton swab.
9. Magpacheck up sa iyong dentista kada 6-8 na buwan
Makakabuti na ipatingin sa iyong dentista kung mayroon kang sirang ngipin dahil isa rin ito sa mga dahilan na pinagmumulan ng mabahong hininga.
Comments
Post a Comment