Skip to main content

Ang Dapat Mong Malaman Tungkol Sa BANGUNGOT!


Ang bangungot ay isang masamang panaginip na kung saan ang taong nakakaranas nito ay pwedeng hindi na magising at maging sanhi ng kanyang pagkamatay. Ang karaniwang naaapektuhan nito ay mga kalalakihan na nasa edad na 17-30 taong gulang.

Ngunit mayroon ding pagkakataon na maaaring bangungutin ang mga kababaihan, dahil isa daw itong karamdaman na pwedeng namamana o "nasa dugo" na. 

Ayon sa mga eksperto, hanggang ngayon ay wala pa ring tiyak na dahilan kung bakit nakakaranas ng pagka-bangungot ang isang tao, ngunit pwedeng maging sanhi ito ng acute pancreatitis, ito ay ang pamamaga at pagkakaroon ng problema sa iyong pancreas o lapay. 

Bakit nagkakaroon ng bangungot?

Mataas ang tyansa ng isang taong makaranas ng pagka-bangungot kung siya ay pagod tapos ay kumain ng maraming carbohydrates saka agad natulog. Dahil sa paraang ito, hindi nakakayanan ng iyong pancreas na tunawing mabuti ang kinaing pagkain.

Karamihan sa mga biktima ng bangungot ay walang diperensya o problema sa puso, ngunit dahil ang pag-atake nito ay habang natutulog, mas mataas ang tyansang magkaroon ng iregular na pagtibok ng puso. 

Paano makakaiwas sa bangungot?

1. Iwasan ang pagkain ng marami lalo na ang kanin bago matulog.

2. Hayaan munang bumaba ang kinain sa loob ng 2-3 oras bago matulog. 

3. Huwag kumain kung pagod na pagod saka matutulog.

4. Limitahin o iwasan ang pag-inom ng alak. Dahil pwedeng makaapekto ang alak sa pagkakaroon ng pamamaga sa iyong pancreas.

5. Iwasan din ang paninigarilyo dahil isa rin itong sanhi sa pagkakaroon ng acute pancreatitis

6. Kung naririnig ang iyong katabi na umuungol sa kanyang panaginip, gisingin ito kaagad.

7. Ikut-ikutin o masahihin ang mga daliri sa paa ng taong binabangunot upang mabuhay at dumaloy ang dugo

8. Kung hindi ito magising, dalhin agad sa pinakamalapit na hospital

9. Magpasuri sa iyong doktor kung patuloy na nakakaranas ng mga masasamang panaginip





Comments

Popular posts from this blog

8 Filipino Celebrities Na Nagmamay-ari Ng Mga Luxury Cars!

Bukod sa pag-iinvest ng lupa, bahay, business, etc., karamihan sa ating mga Filipino celebrities ang nag-iinvest din sa mga sasakyan. Lalo na ang mga car enthusiasts na mahihilig sa mga sasakyan.  At dahil na rin sa kanilang hardwork at success sa showbiz, ilan sa mga celebrities na ito ang nagmamay-ari ng mga napakaganda at mamahaling luxury cars na ito. Narito at alamin kung sino-sino sila! 1. Anne Curtis - Audi A3 and Audi Q5 Dahil siya ang official ambassadress ng Audi brand dito sa Pilipinas, si Anne Curtis ay nagmamay-ari rin ng dalawang Audi cars, Audi Q5 at Audi A3. Ang mga luxury cars na ito ay mayroong starting price na higit P2M pataas. Ang kanyang Audi A3 ay tinagurian din "safest car" in the world. 2. Georgina Wilson - Jaguar F-TYPE Coupe' Bukod sa naging ambassadress ng Jaguar Phils. si Georgina Wilson ay binigyan pa siya ng libreng  Jaguar luxury car. Ayon sa isang interview niya, ang sabi niya, "I have a free Jaguar,

Huwag Munang Itatapon Ang Pinaghugasan Ng Bigas Dahil May Nakakamanghang Gamit Pa Ito

Bago tayo magsaing ng kanin ay tinitiyak nating malinis ito kaya natin ito hinuhugasan. Makakatulong kasi ito upang matanggal ang mga dumi, bukbok, at iba pang contaminants na maaaring makaapekto sa sinaing.  Ngunit aminado ang karamihan na matapos hugasan ang bigas ay atin lamang itinatapon ang tubig. Pero alam niyo ba na ang pinaghugasan ng bigas ay maaari pang paggamitan sa ibang paraan at napakarami pa nitong benepisyo? Narito at alamin ninyo. 1. Pwedeng gamiting panlinis ng mukha/ facial cleanser Ang tubig na pinaghugasan ng bigas ay nagtataglay ng bitamina at mineral na nakakatulong upang gawing malambot, makinis, at radiant looking ang balat. Gumamit lamang ng cotton pad at basain ito gamit ang pinaghugasan ng bigas. Imassage ito sa iyong mukha at iwanan upang matuyo.  2. Maibsan ang pangangati ng balat/ eczema Ang starch content ng pinaghugasang bigas ay nakakatulong upang maibsan ang pangangati ng balat o eczema. Magsawsaw lamang ng malinis n

Paraan Upang Malaman Kung Fresh o Luma Ang Nabiling Itlog At Kung Safe Pang Lutuin!

Kapag tayo ay bumibili ng itlog sa mga grocery stores o palengke, minsan ay hindi naman natin naluluto ito agad agad. Kaya ang gagawin ay ilalagay muna ito sa ref upang mas mapatagal ang 'freshness' nito.  Ngunit kung nakaligtaan kung ilang araw o linggo na itong nabili, alam mo ba kung paano ka makakasiguro na pwede mo pa itong iluto at kainin? Narito ang mga paraan kung paaano mache-check kung luma na o fresh pa ang itlog. 1. Sniff Test Sa pamamagitan ng sniff test o ang pag-amoy, malalaman kung ang itlog ay luma na. Ang nalumang itlog ay mayroong masangsang na amoy kahit hindi mo pa ito binubuksan. Kung wala naman itong amoy, ay maaari pa itong lutuin at kainin. Kung hindi ka pa rin sigurado, basagin ang itlog at amuyin ito kung mayroong masamang amoy. Dahil kung mayroon ay itapon na ito agad agad. 2. Itapat sa tenga at alugin Itapat ang itlog sa iyong tenga at alugin. Pakinggan kung mayroon itong tunog. Habang naluluma ang isang itl