Ang mga kidneys ay isa sa mga pinaka-importanteng organs sa katawan dahil sila ang naglilinis at nagtatanggal ng dumi at sobrang tubig sa ating dugo.
Ang hindi alam ng karamihan na may mga bagay tayong nagagawa araw-araw na maaaring nakakasama na pala sa kalusugan ng ating mga kidneys na pwedeng mauwi sa iba't ibang komplikasyon at kidney failure.
Narito at iisa-isahin sa artikulong ito ang mga karaniwang gawain na dapat mong iwasan kung ayaw mong magkaroon ng sak!t sa bato:
1. Pagpipigil ng ihi
Ang daluyan ng ihi ay konektado sa ating mga kidneys. Kapag madalas mong pinipigilan ang iyong ihi, ang mga toxins sa iyong katawan ay maaaring mabuo sa iyong kidneys at maging kidney stones.
2. Pagkain ng maaalat na pagkain
Ang mga pagkain sa fastfood at mga chitchirya ay mataas ang salt content. Ang pagkain ng maaalat na pagkain ay maaaring makaapekto sa normal na balanse ng sodium sa iyong katawan. Binabawasan nito ang pagtatrabaho ng iyong mga kidneys na magfilter ng tubig sa dugo at maaaring mauwi sa high blood pressure.
3. Paninig@rilyo
Wala talagang naidudulot na mabuti ang paninig@rilyo. Pinapataas nito ang blood pressure, tibok ng puso at pinapasikip ang mga ugat na daluyan ng dugo. Ang pagkakaroon ng mataas na presyon ay pwedeng mauwi sa pagkakaroon ng s@kit sa bato.
4. Sobrang pag-inom ng al@k
Kapag nakainom ng madaming al@k ang isang tao, wala rin tigil ang kanyang pag-ihi. Ang pag-inom nito ay ini-istress ang iyong mga kidneys sa pagfifilter na mga toxins sa iyong katawan. Kaya mabilis din na ma-dehydrate ang katawan.
5. Pag-inom ng softdrinks at mga inumin na may caffeine
Ang pag-inom matatamis na inumin gaya ng softdrinks ay pinapataas ang uric level ng katawan na pwedeng mauwi sa sakit sa bato. Ganun din sa paginom ng mga inuming may caffeine gaya ng kape dahil pinapataas din nito ang blood pressure at tyansa ng pagkakaroon ng kidney stones.
6. Hindi pag-inom ng sapat na tubig
Kailangan ng katawan ang 8- 10 na basong tubig araw-araw. Ang pag-inom ng tubig ay nililinis ang loob ng katawan para mailabas ito sa paraan ng pag-ihi. Kaya kung hindi ka palaging umiinom ng tubig ay pwede kang magkaroon ng kidney stones.
Comments
Post a Comment