May mga bagay bagay tayong nagagawa pagkatapos natin kumain na hindi natin namamalayan na ito pala ay nakakasama sa ating kalusugan. Minsan dahil sa nakasanayan na ang mga ito ay patuloy pa rin nating ginagawa at naging "habit" na rin ito.
Narito ang mga bagay na dapat mong iwasan pagkatapos mong kumain dahil maaaring magdulot ng masamang epekto sa katawan:
1. Paninigarilyo
Kailangan ng katawan na ma-digest ang kinain mong pagkain. Pero nanigarilyo ka pagkatapos kumain, pinipigilan ng nicotina ng sigarilyo ang oxygen na kailangan sa digestion at mas lalong tumataas ang tyansang mag-absorb ng carcinogens ang iyong katawan.
2. Natutulog
Masarap sa pakiramdam na pagkatapos mong nabusog ay itutulog mo na kaagad. Ngunit ang hindi alam ng marami na may masamang epekto ito sa katawan. Dahil bumabagal ang digestion ng pagkain kapag. Pwede kang makaranas ng pananakit ng tiyan, hindi natunawan, at kabag.
3. Paginom ng malamig o nagyeyelong tubig
Pinipigilan ng malamig na temperatura ng tubig ang pagdurog ng kinaing pagkain. Kaya ang nagiging resulta ay pagbubuo-buo nito sa loob ng tiyan. Sa halip, mas mainam na uminom ng maligamgam na tubig pagkatapos kumain.
4. Maligo pagkatapos kumain
Pagkatapos mong kumain, maghintay ka muna ng 30 mins bago ka maligo. Dahil ang agarang pagligo pagkatapos kumain ay nagreresulta sa hindi maayos na pagkatunaw ng pagkain sa tiyan.
5. Maglakad
Ang paglalakad agad matapos kumain ay hindi nakakatulong upang bumaba ang iyong kinain. Sa halip pwede ito magresulta sa hindi pagkatunaw ng pagkain o indigestion at acid reflux. Mainam na maghintay muna ng kalahating oras bago maglakad-lakat.
6. Paginom ng tsaa o kape
Hindi mainam na uminom ng kape o tsaa pagkatapos kumain dahil pinipigilan nito ang tamang absorption ng iron sa katawan. Sa katagalan maaaring magresulta ito sa kakulangan sa iron o anemia. Ang mataas na acid content ng tsaa at kape ay nagdudulot ng paninigas ng pagkain sa tiyan kaya mas lalong mahirap matunaw.
Comments
Post a Comment