Ang heart attack o atake sa puso ang isa sa mga delikadong sak!t sa buong mundo. Nangyayari ito kapag ang daloy ng dug0 sa puso ay nakabara kaya hindi nakakakuha ng sapat na oxygen ang puso na nagiging sanhi ng pagk^m*tay ng heart muscle.
Pero ang atake sa puso ay may pagkakaiba daw sa mga babae at lalaki. Kaya kung ang iyong katawan ay nagbibigay na nitong mga senyales na ito, dapat ay maging alerto ka at agad ng magpasuri sa doktor.
Narito ang mga senyales na nararamdaman ng mga kababaihan kung sila ay inaatake sa puso:
1. Chest pain o pananak!t ng dibdib
Isang karaniwang senyales pa rin ng atake sa puso sa mga lalaki at babae ang pagkakaroon ng pananak!t o paninikip ng dibdib. Ito ay ang pagkakaroon na parang dinudurog at mabigat na pakiramdam sa iyong dibdib. Pwedeng ang pananak!t ay hindi lang sa iyong kaliwang bahagi ngunit sa buong lugar ng dibdib.
2. Pananak!t ng likod, braso, at batok
Ang sintomas na ito ay karaniwang nararanasan ng mga babae. At kadalasan ay napagkakamalan na ibang sintomas ito dahil nakapokus lang sila sa paninikip ng dibdib. Maaaring maranasan ang sak!t ng biglaan o progresibo at maaaring magising ka kahit natutulog.
3. Pananak!t ng tiyan
Minsan pananak!t ng tiyan na kaugnay sa atake sa puso ay nakakalito sa mga tao dahil akala nila na isa lang itong senyales ng heartburn, pagkalas0n, flu o stomach ul cer. Sa mga babaeng nakakaranas nito ay inilarawan nila ito na parang may elepante nakadagan sa iyong tiyan.
4. Pinagpapawisan ng malamig
Isang common din na sintomas sa mga babae na nakakaranas ng atake sa puso ang pinagpapawisan ng malamig. Dahil ang mga ugat mo sa katawan ay nagrereact sa stress na nararanasan ng iyong puso.
5. Pagkahilo at kawalan ng hininga
Isang senyales na possibleng inaatake ka na sa puso ang paghahabol o kawalan ng hininga kahit wala ka namang ginawa lalo na't kung nararanasan mo rin ang iba pang mga sintomas na heart attack. Kaya agad na ikabahala ito at magpatingin na agad sa doktor.
6. Matinding pagkapagod
Ang mga babaeng may sak!t sa puso ay madaling mapagod kahit wala sila gaanong ginagawa. Dahil ang puso nila ay nahihirapang maglabas ng dugo dahil wala itong nakukuhang sapat na oxygen.
Paalala: Maaaring hindi lahat ng babae ay mararanasan ang mga sintomas na ito ng heart attack. Kaya kung nararanasan mo na ang paninikip ng dibdib at kahirapan sa paghinga ay agad ng kumonsulta sa doktor.
parang nas lalamunan ko lang ang hangin kapg kinakapos ako ng hinga..senyales din po b un
ReplyDeletemadalas masakit batok ko.masakit tiyan ko at naninikip dibdib ko senyalaes po ba ito
ReplyDeleteMadalas po ang pananakit ng dibdib ko at minsan may pangangalay ng kamay at benti at pagbilis ng tibok ng puso
ReplyDeletePagkirot ng dibdib,hirap huminga,ul cer, sign na po ba talaga yun ng heart attack
ReplyDeleteHalos araw araw PO sumasakit Ang dibdib ko sa kaliwa minsan pati sa likod mabilis din po Ang pagtibok nang mabilis Ng puso ko Kaya nag aalala PO ako at baka sakit na sa puso Kaya nagpatingin na akonsa doctor pero nung ECG ako Wala nmn daw pong problema kaso nagaalala parin. Ako at baka may problema tlaga
ReplyDeleteNakakaramdam ako ng pag manhid sa dibdib ko. Parang may nakapatong na mabigat sa dibdib ko, ano kaya ang ibig sabihin nito??
ReplyDelete