
Alam naman nating lahat kung gaano kadaming mikrobyo sa loob ng mga comfort rooms o CR sa mga pampublikong lugar. At kung ikaw ay duming-dumi o ihing-ihi na, wala kang choice kung hindi gumamit nito at tiisin na lang ang mabahong amoy dito.
Ang ilan sa atin, kapag gumamit ng public restroom ay naglalagay ng tissue paper sa paligid ng upuan ng inidoro o sa toilet seat. Dahil akala ng karamihan, sa paraang ito mapoprotektahan sila sa mga mikrobyo at mga sakit, ngunit isa pala itong malaking pagkakamali!
Dahilan kung bakit dapat mo nang itigil ang paglalagay ng tissue sa upuan ng inidoro:
1. Ayon mga health experts, ang pagtakip sa mga toilet seat gamit ang tissue paper ay mas pinapataas lang ang tyansa mong magkaroon ng contact sa mga bakterya.
2. Ayon sa siyensya, hindi daw nakukuha ang mga sakit gaya ng STD at gastrointestinal na impeksyon sa pag-upo lang sa inidoro.
3. Ang ating balat sa may pwet ay mayroong protective barrier laban sa mga bakterya.
4. Ang tissue paper ay isang ideyal na lugar kung saan mas lalong pwedeng kumapit at kumalat ang mga mikrooganismo at bakterya.
Paano mo mapoprotektahan ang iyong sarili sa paggamit ng mga pampublikong comfort room
1. Punasan ang toilet seat ng disinfectant o alcohol wipes bago umupo sa inidoro
2. Pwede ring magdala ng travel-size disinfectant spray lagi sa iyong bag. Makakabili nito sa mga grocery stores.
3. Mag-isquat ka na lang kung iihi upang hindi dumikit ang iyong balat sa inidoro
4. Kung iflu-flush ang inidoro, isara ang seat cover nito upang maiwasang tumalsik ang tubig at dumi
5. Huwag hawakang direkta ang flush, sa halip ay humawak ng tissue kung iflu-flush ito
6. Iwasan ang paglalagay ng gamit sa sahig ng mga pampublikong CR
7. Ugaliing maghugas ng kamay pagkatapos gumamit ng comfort room
8. Gumamit ng sanitizer o alcohol pagkatapos mag-banyo.
Comments
Post a Comment