
Sa panahon ngayon, halos lahat na yata ng tao mapa-bata man o matanda ay mayroon ng kanya-kanyang mga cellphone/ smartphones. At kahit gaano pa kaganda sana ang maidudulot nito sa ating buhay ay siya rin mismong sumisira sa relasyon, kalusugan at sa mga pamilya.
Kung iisipin mo, ang dami mo ngang pwedeng magawa sa isang pindutan lang sa iyong cellphone. Pero sa totoo lang, karamihan sa mga taong gumagamit nito ay nalululong adiksyon sa pagka-depende sa gadyet na ito.
Narito ang ilang mga bagay kung papaano sinisira unti-unti ng iyong cellphone ang iyong buhay.
1. Nagkakaroon ka na ng adiksyon sa paggamit ng iyong cellphone
Maraming tao ngayon ang hindi makaalis ng bahay na hindi bitbit ang kanilang cellphone. Parang naging isang malaking parte na ito ng kanilang pang-araw araw na buhay. At ang masama pa ay ang iba ay nakadepende na lang sila dito.
2. Nawawalan ng pokus at atensyon
Minsan sa sobrang paggamit ng iyong gadyet ay nakalimutan mo pala na may mas mahalagang bagay ka pa na gagawin.
3. Nawawalan ka ng oras para makipag-usap ng pisikal sa ibang tao
Oo nga at nakikipag-usap ka sa paraan ng pagtetext at pagtawag, pero iba pa rin kung kaharap mo mismo ang iyong kausap. Dahil pwede mong malaman kung ano ba talaga ang tunay niyang reaksyon.
4. Nawawalan ka ng oras na makipagbonding sa iyong asawa, anak, pamilya, o kaibigan
Minsan pagkauwi sa bahay matapos ang buong araw ng pagtatrabaho, mas nabibigyan mo pa ng pansin ang pagche-check ng status ng ibang tao sa Facebook kaysa makipagbonding sa iyong pamilya.
5. Hindi mo na namamalayan ang oras
Madalas ito sa mga mahilig maglaro gamit ang kanilang mga cellphone. Sa sobrang busy nilang kakalaro ay hindi nila alam na nalipasan na pala sila ng gutom o di kaya ay napuyat na pala sila ng sobra.
6. Nagiging sanhi ito na ilang aksidente sa daan
Dapat kung nagmamaneho ka ay naka-pocus lang ang iyong atensyon sa daan hindi sa kung sino man ang nagtext sa iyo. At kung naglalakad ka sa daan, siguraduhin mong hindi ka nakatingin sa cellphone mo dahil baka eto pa ang ika-disgrasya mo. Marami na ang naitalang aksidente dahil lang sa pagcecellphone habang nasa daan.
Paalala: Marami pang ibang bagay ang nagiging sanhi ng pagkasira ng buhay dahil lang sa paggamit ng cellphones. Kaya bago pa tuluyang masira ang iyong buhay at relasyon sa ibang tao ay bawas-bawasan mo na ang paggamit sa gadyet na ito.
Comments
Post a Comment