Kilalang-kilala ang sakit na Diabetes dahil ito ay isang epidemic na kondisyon sa mga matatanda at bata sa buong mundo.
Mapanganib sa kalusugan kung ang isang tao ay may diabetes lalo na kung hindi aware ang tao na siya ay may diabetes o may mataas na sugar level sa katawan.
Wala namang partikular na luto o pagkain na sadyang para sa mga diabetic na tao, ngunit mahalaga na malaman kung ano ang mga pagkain na dapat iwasan dahil ito ay bahagi ng "treatment" o "prevention" sa mga taong may diabetes.
Limang Pagkain na dapat iwasan kung ikaw ay may Diabetes:
1. White Bread, Pasta at rice
Ang pangunahing mataas na carbohydrates ay ang Rice. Kapag kayo ay kumain ng refined-flour na pagkain, ito ay nakakapagpataas ng sugar levels sa ating dugo. Ang pagkain na may high-carb ay hindi lamang nakakapagpataas ng sugar sa dugo kung hindi ito rin ay nakakapagpababa ng brain function sa mga taong may type 2 na diabetes.
2. Fruit-Flavored Yogurt
Mas makakabuti ang pagkain ng Plain Yogurt kesa sa mga yogurt na may fruit flavor gaya ng strawberry, apple, mango at iba pa. Ang mga ito ay galing sa non fat o low fat milk na punong puno ng carbohydrates at sugar.
3. Flavored Coffee Drinks
Alam natin na ang kape ay nakakatulong magbigay ng benepisyo sa ating kalusugan. Subalit ang mga flavored coffee drinks ay dapat iwasan ng mga taong may diabetes dahil ito ay may maraming sugar na may posibiladad na makapagpataas ng sugar level sa dugo.
4. Fruit Juice
Mahilig ba kayong uminom ng fruit juices o fruit smoothies? Ayon sa eksperto, ang mga fruit juice na nabibili sa mga supermarket ay hindi "healthy" dahil ito ay puno ng sugar at preservatives na hindi maganda para sa ating katawan. Iwasan ang paginom ng mga fruit juice kahit ito ay may label na "unsweetened" dahil mayroon parin itong "fructose" o isang klase ng sugar na maaring maging dahilan ng obesity, heart disease at insulin resistance.
5. French Fries
Ang French fries ay isang pinaka bawal na pagkain para sa mga taong diabetic. Ang isang patatas ay may 37 grams ng carbs at mga patatas na na-deep fry ay nagkakaroon ng mataas na bilang ng toxic compounds na maaring makapag bigay ng implamasyon at mataas na tyansang magkaroon ng sa diabetes.
Comments
Post a Comment