Isang malaking kahihiyan at kawalan nang self-confidence ang pagkakaroon ng mabahong pangangatawan o body odor. Nagsisimula ang pagbaho ng katawan na iyong kili-kili, kung saan naiipon ang bakterya lalo na kapag ito'y pinagpawisan kaya nagkakaroon ng maasim at di kanais-nais na amoy.
Mahirap masabihan ng may "anghit" o "amoy putok" bagamat wala itong seryosong epekto sa kalusugan, malaki naman ang epekto nito sa kumpyansa sa sarili at relasyon sa ibang tao.
Eto ang mga paraan kung paano maiwasan ang pagkakaroon ng mabahong amoy sakatawan!
1. Maligo araw-araw
Marapat lang na panatilihing malinis ang pangangatawan araw-araw upang maiwasan ang pag-ipon ng bakterya na pinagmumulan ng mabahong amoy. Siguraduhing nasasabon at nahuhugasan ng mabuti ang mga singit at kili-kili.
2. Gumamit ng deodorant / antiperspirant
Kadalasan, ang mga nabibiling deodorant ay mayroon na ring antiperspirant. Ito ay kailangan upang maiwasan ang sobrang pagpapawis ng iyong kili-kili. Pwede rin naman gumamit ng tawas pangontra sa pagkakaroon ng anghit.
3. Iwasan ang pagkain ng mga maaanghang na pagkain at may caffeine
Mas nagkakaroon ng mabahong amoy ang iyong pawis kung madalas kang kumakain ng mga spicy na pagkain gaya ng curry, bawang, at sibuyas at umiinom ng mga caffeinated na inumin. Iwasan ang mga ito kung ayaw mong mangamoy putok.
4. Labhang mabuti ang damit
Ang mga damit na pinagpawisan ay kinakailangang labhan at patuyuuin ng mabuti upang hindi magkaroon ng mabahong amoy. Gumamit ng laundry detergent na tiyak na malilinis ang iyong mga damit.
5. Iwasan ang panghihiram ng damit sa iba
Isang paraan kung bakit nagkakabody odor ang isang tao ay dahil mahilig itong manghiram ng damit sa iba. Pwedeng mahawa ka sa pagkakaroon ng mabahong amoy dahil pwedeng malipat ang mga bakterya sa iyong katawan lalo na't kung hindi mo alam na may body odor pala ang hiniraman mo ng damit.
Comments
Post a Comment