Nararanasan natin ang pananakit ng ulo dahil sa stress, puyat, pagod at sobrang pag-iisip. Ngunit ang sobrang pagsakit nito ay dapat mong ikabahala dahil pwede itong magresulta sa brain aneurysm.
Ano nga ba ang brain aneurysm?
Ang brain aneurysm ay ang pag-lobo ng isang mahinang ugat na nagsu-supply ng dugo sa iyong utak. Kadalasan, hindi agad napapansin ang mga sintomas nito. At kung hindi agad naagapan ay pwede itong magresulta sa pagputok ng ugat at magiging sanhi ng pagdurugo ng utak na pwedeng ikamatay.
Ano ang mga sintomas ng brain aneurysm?
- Biglaan at matinding sakit ng ulo
- Paduduwal at pagsusuka
- Stiff neck
- Paglabo ng paningin o double vision
- Sensitibo sa maliwanag
- Seizure
- Paglaylay ng talukap ng mata
- Kawalan ng malay
Mga bagay na maaaring magdulot ng ruptured brain aneurysm o pagdugo ng utak
1. Matinding pagsinga ng ilong
Tumataas ang pressure sa iyong utak kapag ikaw ay sisinga, babahing, o uubo. At delikado ito sa mga taong mayroon ng aneurysm dahil pwedeng pumutok ang ugat nila sa utak.
2. Matinding pag-ire habang dumudumi
Hindi rin maganda ang sobrang pag-ire habang ikaw ay nagbabawas ng dumi. Pwede rin nitong pataasinpa ang pressure sa iyong utak. Kaya sa mga taong constipated at nahihirapang dumumi, mainam na gumamit ng laxatives.
3. Pagbubuhat ng mabibigat na bagay
Kung ikaw ay na-diagnose na mayroong aneurysm, makakabuti na umiwas muna sa mga pagbubuhat ng mabibigat na bagay at mga nakakapagod na ehersisyo. Dahil pwedeng mapwersa ang iyong mga ugat sa katawan at utak.
4. Pag-inom ng kape
Ang pag-inom ng kape ay pinapataas ang iyong blood pressure. At ang mataas na pressure sa iyong mga ugat ay pwedeng magresulta sa pagputok nito.
5. Palaging nagagalit
Ang stress at matinding negatibong emosyon ay nagiging sanhi sa pag-ooverwork ng utak. Ang pagiging galit ay pinapataas ang presyon pati na rin ang pressure sa iyong utak.
Comments
Post a Comment