Skip to main content

Mga Natural Na Solusyon Para Sa Nangangasim Na Sikmura




Isang karaniwang sakit sa ating gastrointestinal system ang pagkakaroon ng pangangasim sa sikmura. Ang karamdaman ito ay nakakaapekto sa upper digestive system na pwedeng magdulot ng sintomas gaya ng pagsusuka, hindi natutunawan, bloating, kabag, at kawalan ng ganang kumain.

Ang nararanasang pangangasim ng sikmura ay pwedeng dulot ng acid reflux, dyspepsia, gastritis, peptic ulcer, at gastroenteritis. At pwede rin dahil sa pagkain ng panis/sirang pagkain, sobrang pag-inom ng mga carbonated na inumin, hindi regular na pagkain at pagkain ng maaanghang o matatabang pagkain. 

Narito ang mga natural solusyon na pwede mong subukan upang gamutin ang pangangasim ng iyong sikmura:


1. Apple Cider Vinegar

Mabisa ang apple cider vinegar sa mga taong nakakaranas ng pangangasim ng sikmura, hindi natunawan, bloating, kabag, at ulcer sa tiyan. Nakakatulong ang acidic nature nito upang patayin ang mga masamang bakterya sa loob ng iyong tiyan at ibalik ang normal ph level nito. 
  • Maghalo ng isang kutsarang unfiltered, organic apple cider vinegar sa isang basong tubig
  • Pwede kang maghalo ng kaonting honey para sa lasa
  • Inumin 30 minuto bago kumain

2. Baking soda

Ang baking soda ay isang natural na antacid at neutralizing agent na kayang i-stabilize ang extrang acid sa iyong sikmura. Ginagamit din ito sa mga nakakaranas ng heartburn at sa mga hindi natutunawan.
  • Maghalo ng 1/2 kutsaritang baking soda sa isang basong tubig
  • Haluin ng mabuti upang matunaw ang mga buo-buo
  • Inumin
  • Uliting makalipas ang 4 na oras kung nararanasan pa rin ang pangangasim
3. Saging

Ang pagkain ng saging bago kumain ay nakakatulong upang makaiwas sa pagkakaroong ng pangangasim sa iyong sikmura. Kaya nito bawasan ang iritasyon sa iyong intestinal walls. Mabisa rin ang potassium content nito bilang isang natural na antacid na kaya i-neutralize ang ph level ng iyong tiyan. 
  • Kumain ng saging bago kainin ang iyong main meal
  • Maaari kang kumain ng 2 hanggang 3 saging sa isang araw
4. Aloe Vera

Mayroon ng mga aloe vera juice ngayon na tinitinda sa mga grocery stores, dahil ang halaman na ito ay napakaraming health benefits sa katawan. Ito ay mayroong anti-inflammatory properties na kayang bawasan ang implamasyon at irritasyon sa iyong tiyan. At kayang bawasan ang pagkakaroon ng pangangasim sa iyong sikmura dulot ng acid reflux.
  • Uminom muna ng tubig bago gawin ito
  • Gayatin ang dahon ng aloe vera at kunin ang gel nito
  • Iblender ang 2 kutsarang gel ng aloe vera sa isang tasang tubig
  • Inumin isang beses sa isang araw

5. Luya

Ang luya ay mayroong compound na gingerols na nakakatulong bawasan ang implamasyon at irritasyon sa iyong tiyan kaya nakakatulong sa mga mayroong pangangasim ng sikmura, kabag, at bloating.
  • Gumawa ng tsaa gamit ang luya
  • Maglagay ng isang kutsaritang ginadgad na luya sa isang tasa
  • Buhusan ng kumukulong tubig
  • Takpan at hayaan sa loob ng 10 minuto bago inumin
  • Inumin ito 20 minuto bago kumain.

Comments

  1. Maraming salamat po sa mga impormasyon makakatulong po ito sa nararamdaman ko

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Dahilan Ng Pagkakaroon Ng Bukol Sa Likod Ng Tenga At Bakit Dapat Mo Itong Ikabahala!

Nakakapangamba ang tubuan ng bukol sa katawan lalo na't kung nadudulot ito ng pananakit dahil maaari itong maging maagang senyales ng c****r. Ngunit hindi naman lahat ng tumutubong bukol sa katawan ay c*****rous at ilan sa mga ito ay hindi naman nagdudulot ng seryosong komplikasyon. Ngunit ang pagkakaroon ng bukol sa likod ng iyong tenga ay dapat mong ikabahala at huwag pababayaan dahil napakarami palang pwedeng maging dahilan kung bakit ka mayroon nito. At ilan sa mga dahilan na ito ay mapanganib sa kalusugan. Narito at alamin ninyo! 1. Sebaceous cy sts Kung ang bukol sa likod ng iyong tenga ay hindi sumasakit, maaaring dahil ito sa pagkabara ng mga oil producing sweat glands. Ang mga ito ay non-c*****rous. 2. Lymphadenopathy Ito ay isang medical condition na kung saan ang mga lymph nodes mo ay nagkakaroon ng abnormal na paglaki at pagdami. Ang mga lymph nodes ay matatagpuan sa leeg, ulo, kili-kili, at singit. Kaya kung may virus o bacteria na

Narito Kung Paano Alisin ang Tinik sa Lalamunan

Ang mga Pilipino madalas kumain ng isda dahil marami tayong iba't ibang klaseng isda na nabibili sa palengke. Maraming klaseng isda ang maaari nating ihain sa mesa. At kahit anong luto pa iyan mapa prito, inihaw, steamed, sinigang, paksiw, etc. ay gaganahan ka talaga sa sarap. Kaya lang mayroong mga isda na maraming tinik kagaya na lang Bangus.  Sa mga taong madalas kumain ng isda, hindi natin maiiwasan na minsan tayo ay matinik. Kahit maliit lamang na tinik ang nasa ating lalamunan, hindi tayo mapakali sapagkat nagdudulot ito ng hindi komportableng pakiramdam at mayroong pananak!t sa bawat paglunok. Kaya naman narito ang mga makakatulong na paraan na maaari mong gawin kapag ikaw at natinik sa iyong lalamunan: 1. Kumain ng saging pero huwag ito nguyain. Kumain ng maliit na piraso lamang ng saging at saka ito lunukin agad para mapasama ang tinik na nakatusok sa lalamunan.  2. Kumuha ng malaking piraso ng tinapay at isawsaw ito sa

Tips Para Tanggalin Ang Pumasok Na Langgam/Insekto Sa Loob Ng Tenga

Naranasan niyo na bang mapasukan ng insekto o ng langgam sa tenga? Napakasakit talaga nito at hindi ka mapapakali. Bukod sa nakakarinig ka ng parang may naglalakad o pumuputok na tunog sa loob ng inyong tenga. Minsan ay maaari ka pang makagat sa loob o mawalan ng pandinig. Kaya narito ang mga tips kung paano tanggalin ang nakakairitang langgam o insekto na pumasok sa iyong tenga: 1. I-wiggle o galaw galawin ang tenga Subukang galaw-galawin o i-wiggle ang apektadong tenga. Sa paraang ito, maaaring mahulog ang insekto papalabas. 2. Patakan ng langis o baby oil Ang langis ay makakapagpigil sa paggalaw ng insekto o langgam papaloob sa tenga. 3. Patakan ng kaunting tubig Gamit ang dropper o bulb syringe, patakan ng kaunting tubig ang loob ng tenga upang malunod ang insekto. Galawin ang ulo at tenga para lumabas ang tubig. 4. Pahiran ng butil ng asukal ang labas ng tenga Ang matamis na amoy ng asukal ay pang-aakit sa langgam upang lumabas. 5. I-