Ang kabag o flatulence ay ang pagkakaipon ng sobrang hangin sa loob ng iyong tiyan. Ito ay nagdudulot ng pananakit at hindi komportableng pakiramdam sa isang tao.
Naiipon ang gas o hangin sa loob ng iyong tiyan dahil sa di inaasahang paglunok ng hangin tuwing ikaw ay kumakain at umiinom. Ang ibang rason ay dahil na rin sa ibang pagkain na talaga namang nakaka-kabag.
Dahilan ng pagkakaroon ng kabag:
- Hindi pag-nguya ng mabuti ang pagkain
- Pag-ngunguya ng bubble gum
- Paninigarilyo
- Pag-inom ng kape at mga softdrinks
- Pagkain ng madaming carbohydrates
- Pagkonsumo ng mga pagkaing nakakapagdulot ng kabag gaya ng beans, mansanas, repolyo, brocolli, pasas
Narito ang mga paraan upang maiwasan at mawala ang iyong kabag sa tiyan!
1. Kumain ng balanseng diet
Piliin ang mga pagkaing may konting carbohydrates at madaling tunawin ng tiyan gaya ng kanin, patatas, letsugas, at saging. At mas mainam na kumain ng pakonti-konti sa buong araw kaysa sa pagkain ng minsanan at maramihan.
2. Nguyaing mabuti ang kinakain
Siguraduhing sarado ang iyong bibig habang ngumunguya ng pagkain upang hindi makapasok ang hangin at upang matunaw ng mabuti ang kinakain.
3. Uminom ng tubig bago kumain
Nababawasan ang stomach acid sa iyong tiyan kung sinabayan mo ang pagkain at pag-inom. Na siyang nagreresulta sa hindi madaling pagkatunaw ng pagkain. Mas makakabuti kung uminom muna ng tubig 30 minuto bago kumain upang matunaw ng iyong tiyan ng mabuti ang pagkain.
4. Iwasan ang paninigarilyo
Nakaugalian na ng ibang tao na pagkatapos kumain ay maninigarilyo. Dapat na itong iwasan dahil ang paghithit ng usok ay nagdudulot ng sobrang hangin sa iyong tiyan at nakakapagpatigas pa ng iyong mga arteries.
5. Umiwas sa kape at softdrinks
Dahil mataas sa acid at asukal ang mga inuming ito, pwedeng magdulot ito ng sobrang hangin sa iyong tiyan. Kaya kung mapapansin mo ay palaging kang nadidighay pagkatapos mong uminom ng softdrinks.
6. Magpahid ng langis
Isang nakaugalian na ng mga matatanda ang pagpapahid ng langis gaya ng aciete de manzanilla, chamomile oil, o peppermint oil sa tiyan na may kabag. Dahil kaya nitong pakalmahin ang tiyan lalo na kung ito ay may kasamang pananakit.
7. Mag-ehersisyo
Nakakatulong ang pagkakaroon ng regular na ehersisyo upang magkaroon ng tamang digestion ang iyong katawan. Mabusa rin ang paglalakad kung ikaw ay nakakaranas ng bloated tummy at kabag.
Comments
Post a Comment