Isa ka ba sa mga tao na conscious sa iyong kinakain dahil pwede mo itong ikataba? Isang malaking good news dahil mayroong mga pagkain na pwede mong kainin kahit maramihan at hinding hindi mo ito ikakataba!
Narito ang mga fiber-rich na pagkain na pwede mong kainin nang hindi madadagdagan ang iyong timbang!
Celery
Ang celery ay isang napakasustansyang gulay dahil mayaman ito sa fiber at sa kakayahan nitong magpa-ihi kung saan mailalabas mo ang mga masasamang toxins sa iyong katawan. Kung gusto mong magbawas ng timbang, isa ito sa diet mo.
Pipino
Ang pipino ay nagtataglay ng 96% na tubig at halos wala na itong calories. Kaya kung mapapansin ninyo na ito ang kinakain ng halos ng mga gustong magpapayat. Bukod sa mayaman din ito sa bitamina, masarap din itong ihalo sa iyong iniinom na tubig o kanin lang ng hilaw.
Orange
Ang mga orange ay isa sa mga prutas na mayaman sa vitamin C at fiber kaya pwede mo itong kainin kahit maramihan.
Beets
Ang beets ay mayroon lang 40 calories at ideal ito sa mga nagbabawas ng timbang. Mayaman ito sa fiber at importanteng nutrients na kailangan ng katawan upang maregulate ang blood sugar level, palakasin ang mga masel, ang sunugin ang mga body fats. Pwede mo itong gayatin at isama sa vegetable salad.
Pinya
Ang prutas na ito ay napakayaman sa fiber, potassium, calcium at vitamin C. Kaya naman nirerekomenda ito sa mga taong nahihirapang dumumi. Bukod pa doon ay karaniwan din itong kinakain ng mga taong nagpapapayat.
Melon at Pakwan
Ang mga prutas na ito ay sagana rin sa fiber at halos tubig ang laman nito. Kaya naman kahit maparami ang iyong kain ay hindi mo poproblemahin ang pagdagdag ng iyong timbang.
Green Leafy Vegetables
Ang mga broccoli, cauliflower at repolyo ay mayroon lang 7 calories. Pwede mo itong kainin ilang beses sa isang linggo dahil tumutulong din ang mga ito na palakasin ang iyong immune system.
Comments
Post a Comment