
Isa sa mga mabisang paraan upang maiwasan ang hindi inaasahang pagbubuntis ay ang pag-inom ng birth control pills o contraceptive pills. Isa ito sa mga pinaka-epektibong paraan ng artipisyal na kontrasepsyon.
Ang mga pills ay 99.9% epektibo kung ginamit sa tamang paraan. Ngunit dapat ding malaman na ang mga ito ay hindi ka mapoprotektahan sa mga s4kit na nakukuha sa pakikipagt4lik o STD.
Narito ang mga side effects nito sa katawan kung ginamit ito ng matagalan:
1. Pinapabago ang iyong menstrual cycle o buwanang dalaw
Ang paggamit ng birth control pills ay nakakapagpabago sa mga hormones ng katawan na pwedeng magresulta sa hormonal imbalance. Ang mga babaeng gumagamit nito sa katagalan ay nagkakaroon ng irregular na regla at nahihirapang bumalik sa kanilang normal na menstrual cycle.
2. Binabago ang tamang oras ng obulasyon
Nababago ang natural at tamang paraan ng obulasyon sa katagalang paggamit ng pills kaya hindi nabubuntis ang isang babaeng gumagamit nito. Sa katagalan, dahil sa artipisyal na pagpigil ng obulasyon, ang mga obaryo ng babae ay maaaring hindi na makapagpalabas ng healthy follicle para mabuntis.
3. Pagkakaroon ng hormonal imbalance
Ang pagkakaroon ng hindi balanseng hormones ay resulta ng paggamit ng matagal ng pills. Dahil synthetic at artipisyal lang ang mga hormones na nakukuha dito, maaaring ang natural na hormones ng katawan ay tuluyan maantala. At nagiging sanhi ng pagkakaroon ng pang-matagalang hormonal imbalance.
4. Pagbabago sa iyong matres
Nababago ng pills ang mga linya ng iyong matres kung saan nabubuo ang sanggol. Sa matagalang paggamit nito, ang iyong katawan ay hindi na nakakapagpalabas ng sapat na progesterone, isang importanteng hormone na kailangan upang mabuntis.
5. Pinapakapal ang iyong cervical mucus
Pwedeng baguhin ng permanente ang consistency ng iyong cervical mucus. Ginagawa itong makapal kung saan mahihirapan ang tamod ng lalaki na makaabot sa egg cell ng babae. Pwede itong magresulta sa pagkabaog o pagkakaroon ng infertility issues.
6. Pagkakaroon ng tighiyawat at abnormal na pagtubo ng buhok
Nagkakaroon ng abnormal na ph level ang katawan sa katagalang paggamit ng pills. Nagreresulta ito sa pagkakaroon ng acne o tighiyawat at abnormal na pagtubo ng buhok sa iba't ibang parte ng katawan gaya ng mukha, dibdib, tiyan at likod. Pwede ring magbago ang kulay ng iyong balat.
7. Biglaang pagdadag sa iyong timbang
Pwedeng baguhin ng pills ang takbo ng iyong digestive system kaya ang mga ibang babaeng gumagamit nito ay tumataba at nadadagdagan ang timbang.
Comments
Post a Comment