Isa sa mga malalaking pangalan sa industrya ng showbiz ay ang nag-iisang 'Megastar' na si Ms. Sharon Cuneta. Di na rin maikakaila na isa rin siya sa pinakamayamang artista sa industrya dahil sa dami ng kanyang mga pag-aaring properties dito sa bansa. Lalo na ang kanyang mansyon sa Mandaluyong na tinatawag nilang "The Fortress."
Narito at silipin ang kanyang napa-kalaki at napaka-eleganteng bahay!
Grand Staircase
Sa bahay ng Megastar, kitang kita kung gaano ka-elegante ang kanyang mga napiling furnitures na galing pa mismo sa iba't-ibang bansa. Isa na ring atraksyon ay ang kanyang engrandeng Victorian-inspired staircase na kung saan sa ibaba nito ay naroroon ang elevator!
Sala / Living room
Ito ang kanyang sala o living room number na malapit sa engradeng staircase ng bahay. Dito kung saan ine-entertain ni Sharon ang kanyang mga guests at kaibigan. Ito ay naka-separate sa pamamagitan ng mga sliding glass doors.
Ito ang pangalawang sala ng kanyang bahay.
Dining Area
Narito ang dining area sa mansyon ni Ms. Sharon, na kung saan ang 12 seater dining table na ito ay nabili pa niya sa isang weekend market noong siya ay nasa Paris!
Kitchen
Isa sa mga hilig ng Sharon ay ang pagluluto, kaya naman ang kanyang kusina ay fully-equipped ng mga top of the line na appliances. At ang kanyang pantry ay laging puno ng supplies. Makikita rin dito ang isang nakaka-manghang maliit na elevator na tinatawag na "dumbwaiter." Kung saan pwedeng ideliver ang pagkain sa ibang floor ng kanyang bahay!
Lounge, Guest House at Swimming Pool Area
Narito ang labas ng kanyang bahay na kung saan matatagpuan ang lounging area, mini bar at ang swimming pool. Maganda ang lugar na ito kung gusto niya ng quiet time at oras para makapagrelax o kumain ng meryenda. Matatagpuan din sa tabi ng pool area ang kanyang guest house.
Comments
Post a Comment