Hindi natin maikakaila na mayroong talagang mga taong pinagpala pagdating sa pera. Bukod sa mga pinakamayamang personalidad sa buong mundo, ay mayroong ding top 10 na pinakamayamang tao dito sa Pilipinas ayon sa Forbes' List.
Narito at kilalanin sino-sino sila at kung ano-ano ang kanilang mga businesses!
1. Henry Sy ($20 billion/ P1.04 trillion)
Si Mr. Henry Sy ay isang Chinese-Filipino businessman na nagmamay-ari ng mga SM malls, SM PrimeHoldings, at bangko gaya ng BDO at Chinabank. Ang net worth niya ay nasa 20 billion dollars o P1.04 trillion.
2. John Gokongwei Jr. ($5.8 billion/ P301.54 billion)
Ang tao sa likod ng mga businesses na Robinsons Malls, Cebu Pacific, at Universal Robina Corporation ay si John Gokongwei Jr. Siya rin ang chairman ng JG Summit. Sa dami ng kanyang hinahawakang business, nasa Php301 billion ang kanyang net worth.
3. Enrique Razon Jr. (P254 billion)
Si Enrique Razon Jr. ay ang Filipino billionaire at chairman/CEO ng International Container Terminal Services Inc. Siya rin ang nagmamay-ari ng Bloomberry Resorts and Hotels Inc., at Solaire.
4. Lucio Tan (P244 billion)
Siya ang business tycoon sa likod ng mga businesses gaya ng LT Group at Asia Brewery. At nagmamay-ari na rin ng Philippine Airlines at Philippine National Bank (PNB).
5. Tony Tan Caktiong (P207 billion)
Kung mahilig kayo sa fastfood, malamang ang Jollibee ang isa sa iyong mga paborito. Si Mr. Tony Tan Caktiong ang nagmamay-ari at taong nasa likod ng isa sa mga pinamalaking na fastfood chains dito sa Pilipinas. At na-acquire na rin ang iba pang mga foodchains gaya ng Chowking, Red Ribbon, Greenwich, at Mang Inasal)
6. George Ty (P202 billion)
Ang business magnate at chairman ng GT Capital Holdings na mayroong business interest sa banking, auto, property development, insurance, at power generation. Siya rin ang nagmamay-ari ng Metrobank, Grand Hyatt, at Marco Polo hotels.
7. Manuel Villar (P155 billion)
Si Manny Villar ay kilala bilang isang real-estate businessman na nagmamay-ari ng VistaLand and Lifescapes at chairman ng Starmalls.
8. Andrew Tan (P140 billion)
Si Andrew Tan ang nagmamay-ari ng Alliance Global Group Inc., na nagpapatakbo ng mga kumpanya gaya ng Megaworld, Emperador Distillers Inc. Golden Arches (Mcdonald's Philippines).
9. Ramon Ang (P129 billion)
Siya ang president/CEO ng Top Frontier Investment Holdings, ang pinakamalaking shareholder ng San Miguel Corporation.
10. Robert Coyiuto Jr. (P72 billion)
Siya ang personalidad na nagmamay-ari ng Prudential Guarantee & Assurance, isa sa mga pinakamalaking insurance companies sa bansa. Siya rin ang owner ng PGA Cars, ang Philippine-based distributor ng mga luxury car brands gaya ng Audi at Bentley.
Bilyon bilyon nga ang mga pera pero di naman sila marunong tumulong sa mga kapus palad...useless, mamatay din kayo
ReplyDeletehilig nilang magpayaman kulang naman sa kawanggawa, aanhin ang kayamanan, aamagin at masusunog din yan...
ReplyDeleteKasi wala kang alam tamad ka kasi..tingnan mo nga kung ilang libong pilipino ang natutulongan niyan mag katrabaho at mapakain nila ang kanilang pamilya..sa SM nalang ilang employee ang maybtrabaho diyan ilan ang natulongang pamilya niyan..puro ka reklamo tamad ka kasi..yang mayayaman na yan masisipag yan kaya narating nila kung saan sila ngayon
DeleteTumutulong po sila, sila po ang nagpapagawa ng malalaking building sa ibat ibang school dito sa pilipinas ang marami din po silang pinag aaral na mga Pilipino. Maraming salamat po
ReplyDeleteNakakalungkot isipin na mga dayuhan pa ang kadalasan na yumayaman dito sa pilipinas. At unti unti nilang nasasakop ang pilipinas dahil sa malawak nilang lupain.
ReplyDeleteSalamat sa mga mayayaman nato marami kayong nabibigyang trabaho...❤️❤️❤️.sa mga kapuspalad na kagaya namin
ReplyDelete