Napakaimportente ng tubig sa ating katawan at napakahalaga nito sa buhay ng bawat nilalang, Kung walang tubig ay imposibleng may mabuhay sa mundong ito. At lagi ngang pinapaalala ng nakakatanda, pati na din ng mga pagaaral na laging uminom ng tubig 8-10 baso ng tubig sa araw-araw upang maiwasan ang dehydration.
Narito ang mga halimbawa ng benepisyo ng pag inom ng maligamgam na tubig sa umaga:
1. Pagbawas ng kirot
Ang maligamgam na tubig ay nakakatulong na bawasan o maibsan ang s@kit na dulot ng mga cramps sa pagreregla, dahil pinakakalma nito ang mga kalamnan sa ating tiyan. Sa pamamagitan nito, napapaunlad ang sirkulasyon ng ating ugat at nagpapakalma ng kalamnan sa ating katawan at ito rin ay nakakatulong sa pagpapaginhawa ng iba pang mga karamdaman tulad ng pamumulikat.
2. Pagpapabuti sa sirkulasyon ng dugo
Ang paginom ng isang basong maligamgam na tubig ay makakatulong upang linisin ang mga naipong deposito sa ating nervous system at mga deposito ng taba sa ating katawan. Nailalabas din ang mga toxins at tutulungan paluwagin ang mga kalamnan. Kung saan ang lahat ay nakakapagpabuti ito sa daloy ng ating dugo.
3. Makatutulong sa hirap sa pagdumi
Ang pag-inom ng isang baso ng maligamgam na tubig sa umaga bago ka kumain ng anumang kainin ay talagang nakakatulong at makakapagpabuti ito sa paggalaw ng iyong dumi. Dahil ang kakulangan sa tubig sa ating katawan ay maaaring magdulot ito ng kahirapan sa pagdumi (constipation) o maaring kakaunti o walang duming lumalabas.
4. Pagpigil sa maagang pagtanda
Sa pamamagitan ng pag inom ng maligamgam na tubig ay masaayos ang mga selula ng ating balat, na siyang humahantong sa pagkadagdag o tumutulong sa pagiging banat ng ating balat.
5. Nakababawas ng timbang
Ang maligamgam na tubig ay nakakatulong sa pagtaas ng temperatura sa ating katawan, na nakakapagpabilis sa metabolismo. At sa paraang ito, mas mabilis masunog ang mga calories o mga taba sa katawan.
Comments
Post a Comment