Skip to main content

5 Pagkain na Dapat Iwasan Ng Mga Babaeng Menopause Na


Ang kalusugan ay dapat pang pahalagahan habang tayo ay nadadagdagan na ng edad. Ang pagkain at inumin ay nakakaapekto sa pagharap ng isang babae sa Menopausal stage. Mahirap man iwasan ngunit kailangan, dahil may mga pagkaing nakakaapekto o nakakalala pa sa sintomas ng menopause.

Sintomas ng Menopause:

  • Pagtigil ng iyong buwanang dalaw o regla
  • Panunuyo ng private part 
  • Matinding pagpapawis sa gabi
  • Hot flashes
  • Pagdagdag ng timbang
  • Bumabagal ang metabolismo
  • Mabilis na pagbabago sa mood / mood swings

Kaya upang maiwasan ang paglala ng sintomas ng menopause, narito ang mga pakain at inumin na dapat iwasan kapag ikaw ay menopause na:

1. Maanghang na pagkain 

Kapag kumakain ng maanghang ay makakaramdam ka ng init na nagpapakita ng pamumula ng iyong mukha, leeg, dibdib at kutis. Ang pagkain ng spicy food ng mga babaeng menopause ay maaring makapagbigay ng hot flashes o sobrang pagpapawis at init ng pakiramdam. 

2. Iba't ibang klase ng al@k

Minsan akala natin ay nakakatanggal na ng problema ang al@k ngunit ang paginom nito ay may kadugtong rin palang problema. Ang paginom nito ng babaeng nasa menopausal stage ay maaring magpalala ng sintomas ng menopause na fatigue o moodiness. Makakabuti kung babawasan ang pag-inom nito.

3. Kape o softdrinks

Mahilig ka ba sa kape tuwing umaga? O malamig na soda samahan pa ng chichirya? Bawasan na ang iyong paginom ng kape at damihan na lang ang paginom ng tubig dahil ang kape ay nakakadagdag pa sa sintomas ng menopause. Ang pag-inom ng kape ng madalas ay maaring makapagpababa ng inyong energy levels.

4. Processed foods

Mahilig ka ba sa mga prinosesong pagkain tulad ng sardinas o tuna? Alam mo ba ang epekto nito ay nakakasama sa pangkalahatang kalusugan. May sangkap ang mga ito na sodium na nagpapanatili ng tubig sa ating katawan na makakapag bigay sayo ng bloated na tiyan at hindi komportableng pakiramdam.

5. Mga pagkain na maraming taba

Ang mga taba ay nakakasanhi ng cholesterol at nakakadagdag ng tyansang magkaroon ng heart disease. Ang mga karne na may taba ay sinasabing nakakapagpababa ng serotonin levels na konektado sa depression na nararamdaman ng isang babae lalo na kapag sila ay nasa menopausal stage na.

Comments

Popular posts from this blog

8 Filipino Celebrities Na Nagmamay-ari Ng Mga Luxury Cars!

Bukod sa pag-iinvest ng lupa, bahay, business, etc., karamihan sa ating mga Filipino celebrities ang nag-iinvest din sa mga sasakyan. Lalo na ang mga car enthusiasts na mahihilig sa mga sasakyan. 
At dahil na rin sa kanilang hardwork at success sa showbiz, ilan sa mga celebrities na ito ang nagmamay-ari ng mga napakaganda at mamahaling luxury cars na ito. Narito at alamin kung sino-sino sila!
1. Anne Curtis - Audi A3 and Audi Q5
Dahil siya ang official ambassadress ng Audi brand dito sa Pilipinas, si Anne Curtis ay nagmamay-ari rin ng dalawang Audi cars, Audi Q5 at Audi A3. Ang mga luxury cars na ito ay mayroong starting price na higit P2M pataas. Ang kanyang Audi A3 ay tinagurian din "safest car" in the world. 2. Georgina Wilson - Jaguar F-TYPE Coupe'
Bukod sa naging ambassadress ng Jaguar Phils. si Georgina Wilson ay binigyan pa siya ng libreng  Jaguar luxury car. Ayon sa isang interview niya, ang sabi niya, "I have a free Jaguar, that's pretty cool. I like tha…

Huwag Munang Itatapon Ang Pinaghugasan Ng Bigas Dahil May Nakakamanghang Gamit Pa Ito

Bago tayo magsaing ng kanin ay tinitiyak nating malinis ito kaya natin ito hinuhugasan. Makakatulong kasi ito upang matanggal ang mga dumi, bukbok, at iba pang contaminants na maaaring makaapekto sa sinaing. 
Ngunit aminado ang karamihan na matapos hugasan ang bigas ay atin lamang itinatapon ang tubig. Pero alam niyo ba na ang pinaghugasan ng bigas ay maaari pang paggamitan sa ibang paraan at napakarami pa nitong benepisyo? Narito at alamin ninyo.
1. Pwedeng gamiting panlinis ng mukha/ facial cleanser
Ang tubig na pinaghugasan ng bigas ay nagtataglay ng bitamina at mineral na nakakatulong upang gawing malambot, makinis, at radiant looking ang balat. Gumamit lamang ng cotton pad at basain ito gamit ang pinaghugasan ng bigas. Imassage ito sa iyong mukha at iwanan upang matuyo. 
2. Maibsan ang pangangati ng balat/ eczema
Ang starch content ng pinaghugasang bigas ay nakakatulong upang maibsan ang pangangati ng balat o eczema. Magsawsaw lamang ng malinis na tela sa pinaghugasang bigas at id…

Iwasan ang Pagkain ng mga Ganitong Klase ng Isda Dahil Posible Pala Itong Magdulot ng Masama sa Ating Kalusugan!

Kapag sawa na sa karne ng baboy, manok at baka, gustong kinakain ng mga tao ay ang isda. Mas gusto rin ng iba ang isda dahil ito raw ay mas masustansya kaysa sa ibang karne. Ngunit may mga ilang isda na dapat palang iwasang kainin sapagkat maaaring magdulot ito ng ikasisira at ikasasama ng kalusugan ng tao. 
Narito ang ilang isda na karaniwan nating nabibibli na hindi pala ganun kaganda sa ating kalusugan:
1. Tuna
Ang Tuna ay kadalasang binibili ng mga tao sa merkado. Ito ay mayroong mercury na nakakasama sa kalusugan lalo na ang pagkain ng “blackfin” at “Bluefin” na Tuna. Ang ilang tuna rin ay nanggagaling sa mga palaisdaan na mayroong antibiotics at mga hormones na pampalaki. 


2. Tilapia
Maaaring tumaas ang presyon ng tao dahil mayroon itong mga taba kaya maaari itong magdulot ng panganib sa kalusugan. Sa iba naman, maaaring magkaroon ng allergy kapag kinain ito. 3. Palos o Igat 

Maaari itong magsanhi ng stroke o sak!t sa puso dahil mayroon itong LDL o masamang kolesterol na maaaring maka…