Dahil sa sobrang high tech na ng ating mundo ngayon, di na maikakaila na naging parte na ng ating pang-araw-araw na buhay ang paggamit ng ating mga gadyet gaya ng mga cellphones at tablets. At naging isa na sa mga nakaugalian ng mga tao ang pagtutok o pagche-check ng kani-kanilang mga cellphones gabi-gabi bago matulog.
Ngunit ang hindi alam ng karamihan na ang ganitong gawain ay unti-unting nakakasira sa kanilang kalusugan dahil ang blue light na ine-emit ng mga gadyet na ito ay nagdudulot ng iba't-ibang health issues.
Narito at alamin kung bakit dapat mo nang itigil ang paggamit ng iyong cellphone sa gabi bago matulog!
1. Nakakasira sa retina ng mata
Ang retina ay parte ng mata na kung saan tinatanggap nito ang ilaw na pumapasok upang iconvert ito bilang neural signal papunta sa ating utak. Ang blue light na ine-emit ng mga cellphone o gadyet ay maaaring makasira sa ating retina lalo na kung ginagamit ito ng madalas at matagal. Ang pagkasira nito ay maaaring mauwi sa macular degeneration o pagkabulag.
2. Nakakaapekto sa pagtulog
Minsan sa sobrang pagkawili sa paggamit ng cellphone sa gabi bago matulog ay hindi na natin namamalayan ang oras. Ang ilaw na nagmumula sa cellphone ay nakakaapekto sa produksyon ng melatonin, isang hormone na nakakatulong upang makatulog ang isang tao at gawing regular ang sleep cycle. Kaya iwasan na ang gawaing ito dahil pwedeng maging resulta ito ng kakulangan sa tulog o sleep deprivation na nagdudulot ng iba't-ibang health problems.
3. Nakakaapekto sa iyong utak
Ang sobrang pagka-expose sa ilaw ng cellphone ay nagdudulot ng radiation na maaaring makaapekto sa normal function ng iyong utak at sa memorya. Ang pagkapuyat dahil sa paggamit ng iyong gadyet ay may epekto rin sa konsentrasyon, metabolismo at sa daloy ng dugo sa iyong utak.
4. Eye Strain o pagkapagod ng iyong mga mata
Kung mapapansin mo, madalas mong kinukusot ang iyong mata kung ikaw ay nababad ng matagal sa paggamit ng mga electronic devices gaya ng computer, laptops, at mobile phones. Dahil ang iyong mata ay napagod na sa sobrang pagtitig sa artipisyal na ilaw na lumalabas sa mga gamit na ito. Ang ang sobrang pagkakaexpose sa ilaw na ito ay maaaaring magdulot ng panananakit at maagang pagkasira ng iyong paningin.
5. Tumataas ang tyansa mo sa mga sak!t at k*ns3r
Ang melatonin na isang anti-oxidant, ay kailangan ng iyong katawan upang labanan ang mga sak!t ay bumababa. Kaya nagkakaroon ka ng mas mataas na tyansang magkaroon ng sak!t at k*ns3r.
Tama ito lahat dahil ang mga symtoms ay ramdam ko
ReplyDeletetama po,exampl po ang anak ko palahing kaming ng aaway sa paggamit po ng cellphone gabi2 puyat halos ayaw ng matulog dahil po sa cellphone,,,katwiran nya hindi sya maktulog kaya po sya ng cecelphone,,,,hanggang hindi n po sya pumasok sa schol,dahil hindi po mkbangon sa umaga...oinapayuhan ko n lang po n hindi bawal mag celphone basta yong tamang oras lang kayq lang po hindi ho sya nakikinig sa akin ,,,bilang nanay so sadðŸ˜
ReplyDeleteWoa
ReplyDelete