Ang ating pores ay siyang nagsisilbing daanan ng pawis o anumang toxin sa ating katawan. Ang pagkakaroon ng pores ay normal sa lahat ng tao. Mayroong mga pores sa mukha na ang kaibahan lang ay may malaki at maliit. Minsan ang iba ay may pores na sobrang laki na hindi na kaaya-ayang tignan para sa iba.
Nais mo bang mapaliit o mapakinis ang iyong malalaking pores? Narito at basahin ang mga sumusunod na maaring makatulong upang masolusyonan ang mga di kaaya-ayang pores.
1. Lemon Juice at Tomato
Dahil sa taglay na acid ng kamatis at lemon ay aalisin nito ang excess oils sa iyong mukha at papaliitin ang mga pores.
Paano ito gawin at gamitin:
- Pigain at kunin ang katas ng 2 kamatis
- Idagdag ang lemon juice at haluing mabuti para makagawa ng paste
- Ilagay ito sa mukha at patuyuin ng 15 minuto
- Banlawan ang mukha
2. Pineapple at Lemon Juice
Ang pineapple ay nagtataglay ng maraming enzymes na mabisa sa pagpapaliit ng skin pores. Ang lemon ay may astringent na katangian dahil ito ay acidic.
Paano ito gawin at gamitin:
- Paghaluin ang 2 kutsara ng pineapple juice at kaunting lemon juice
- Gamit ang manipis na tela, ibabad ito sa pinagtimplahan at ipahid sa mukha
- Hintayin ang 10 na minuto bago ito banlawan
3. Egg White at Lemon Juice
Ang puti ng itlog o egg white ay nakakatulong upang bawasan ang discoloration ng balat dulot na dulot ng acne. Mabisa din ito para maging firm at toned ang balat sa mukha. Samantala ang lemon juice ay nakakatulong pantanggal ng mga whiteheads at blackheads lalo na kung hinalo ito sa puti ng itlog at ginawang mask.
Paano ito gawin at gamitin:
- Paghiwalayin ang egg yolk sa puti ng itlog o egg white
- Batihin ang puti ng itlog upang maging foamy ito
- Sa isang tasa, paghaluin ang egg white saka katas ng lemon
- Haluin na parang magiging paste
- Ipahid sa mukha at iwanan sa loob ng 15 minuto bago hugasan
4. Almond at lemon juice
Nakakatulong ang almonds na gawing clear ang iyong balat at ang lemon naman ay pampaputi.
Paano ito gawin at gamitin:
- Ibabad ang almonds sa tubig ng magdamag
- Kinaumagahan ay kunin ang almonds at saka ito durugin hanggang maging paste
- Idagdag ang 1 kutsarang lemon juice. Pwedeng paghaluin sa blender.
- Gawin itong facial mask sa gabi bago matulog
- Iwanan sa loob ng 20 minuto saka banlawan
5. Rosewater, lemon, at cucumber
Ang katas ng lemon at pipino ay may antibacterial at natural na properties na pampaginhawa ng irritated skin. Ang rosewater naman ay iniimprove ang texture ng balat at pinapaliit ang mga malalaking pores.
Paano ito gawin at gamitin:
- Balatan ang pipino saka ito gayatin
- Magdadag ng isang kutsarang rosewater at 4 na patak ng lemon juice
- Ibuhos ang mixture na ito sa isang tela at gawing pang-massage sa iyong mukha
- Iwanan sa loob ng 15 minuto at hayaang matuyo
- Banlawan ng maligamgam na tubig
Comments
Post a Comment