Mayroon ba kayong dark circles sa inyong mata o mas kilala na eyebags? Naghahanap ba kayo ng paraan kung paano ito mawala? Ang pangingitim ng gilid o ilalim ng mata ay isang sanhi ng kakulangan sa tulog o kaya naman sobra sa pag-iyak.
Karamihan sa atin ay mayroong itim na eyebags na nakakapagpa-pangit ng ating mukha dahil tayo ay nagmumukhang stress o 'haggard'. Maraming simpleng paraan para mawala ito, sundin lamang ang ilang tips upang mawala at mabawasan ang eyebags.
Simpleng Tips para mawala ang eyebags:
1. Gumamit ng Pipino
Ang paggamit ng pipino ay isang health regimen na kilalang kilala upang mabawasan ang eyebags sa mata. Ito ay isang lunas sa pamamaga ng mata at pantanggal ng itim sa gilid o ibaba ng mata. Maglagay ng pipino refrigerator at hiwain ito sa maninipas na hiwa. Ilagay ito sa inyong mga mata ng 15-20 minuto.
2. Gumamit ng Lemon Juice
Ang lemon ay may vitamin C na nakakatulong tanggalin ang dark circles sa mata. Isa itong skin-lightening ingredient na nakakapagpaputi ng balat. Mag-hiwa ng lemon at pigain ang juice nito at ilagay sa isang container. I-sawsaw ang bulak sa juice at ipahid ito sa ilalim ng iyong mata sa loob ng 10 minuto.
3. Gumamit ng Coconut oil
Ang coconut oil ay may nourishing at moisturizing effect sa balat kaya naman ito ay karaniwang ginagamit ng mga artista para pampaganda ng balat. Alam niyo ba hindi lang ito pampakinis ng balat? Ito rin pala ay epektibo sa pagtagal ng eyebags. Magpahid lamang ng sapat na amount ng coconut oil sa ilalim ng mata at hugasan ito pagkatapos ng 15 na minuto.
4. Maglagay ng green tea bags
Ang eyebags ay sanhi ng mga blood vessels na dilated sa ilalim ng mata. Ang paggamit ng green tea at isang paraan upang mawala at dark circles dahil ito ay may astringent properties. Ibabad ang tea bags sa tubig at ilagay sa refrigerator ng 30 na minuto. Ilagay ang tea bags sa ilalim ng mata sa loob ng 20 minuto upang ma-refresh ang inyong mga mata.
5. Magpahid ng Honey
Ang honey ay isang powerful na antioxidant na nakakatulong magpalambot ng balat. Maglagay ng kaunting honey, mas maganda kung organic, ipahid ito sa ilalim ng mata at iwanan ng 15 minuto. Hugasan ang mata pagkatapos.
I will try this po.. thanks!
ReplyDeleteHmmmm
ReplyDelete