Stress ang pangunahing nararanasan ng mga tao ngayon dahil sa iba't ibang problema na kanilang hinaharap. Maaari itong panandalian lamang o maaari din tumagal at hindi ka tinatantanan ng nakaka-stress na sitwasyon.
Ang pagkaranas ng stress ng madalas ay may masamang epekto sa ating katawan na hindi natin mapapansin sa una. Isang common factor ang pagiging stress kaya naman maraming sak!t o karamdaman ang nararanasan ng mga tao.
Marami sa atin ang may mga sintomas ng stress na hindi natin napapansin na nagdudulot na pala ng masamang epekto sa ating katawan.
Narito kung ano ang 5 Sintomas ng stress na maaring nakakaapekto na pala sa ating kalusugan ng hindi natin alam:
1. Madalas na pagsak!t ng ulo
Madalas ba sumasak!t ang ulo niyo pagkagaling sa inyong mga trabaho? Marami sa atin ang binabalewala ang karamdaman na ito dahil sa pag-iisip na hindi ito nakakaalarma. Ang stress ay nakakapag release ng kemikal na nakakapagpabago ng ating ugat at blood vessels sa ating utak na maaring maging dahilan ng iba't ibang karamdaman.
2. Pagkakaroon ng Acne o Tigyawat
Problema niyo ba ang inyong mga tigyawat? Alam niyo ba na ito ang pangunahing sintomas na kayo ay nasa stressful environment? Kung napapansin niyo na mayroon na kayong acne sa mukha, likod o ibang parte ng katawan, tandaan na umiwas na agad sa mga bagay na nakakastress dahil ito na ang sign na kailangan ng magpahinga ng inyong katawan at isip.
3. Pagkalagas ng Buhok
Sa tingin niyo ba mali lang ang inyong gamit na shampoo kaya kayo ay may nalalagas na buhok? Alam niyo ba na ang sanhi na nito ay ang matinding stress na siyang nakakaapekto ng ating hair follicles na nagreresulta sa pagkalagas na buhok o hairloss.
4. Biglaang pagbawas o pagdagdag ng timbang
Ang stress ay nakakapag-pababa o nakakapag-pataas ng ating timbang ng hindi natin nalalaman. Ito ay nagrerelease ng hormone na cortisol na maaring magpasira ng abilidad ng katawan na magproseso ng blood sugar level. Ang stress ay nakakaapekto sa ating timbang dahil iniiba nito kung paano i-metabolize ng ating katawan ang fat, protein at carbs na maaring magdulot sa weight gain or loss.
5. Pagka-bloat o paglaki ng tiyan
Isang sintomas ng stress ay ang pagkakaroon ng fats sa ating belly o tiyan. Kung kayo ay stressed, ito ay maaring sirain ang function ng ating GI Tract na maaring maglabas ng maraming acid na maaring magdulot sa heartburn. Ang stress ay maari rin magdulot ng gas at bloating sa ating tiyan dahil ipinapahintulot nito ang regular napaglabas dumi.
Marami pang ibang sintomas ang stress kaya mas mainam na umiwas tayo dito upang makaiwas din tayo sa iba't ibang sak!t o karamdaman.
So what we can do to avoid those stressful things
ReplyDelete