Ang manas o edema ay isang uri ng pamamaga sa mga paa, legs, o kamay dahil sa pagkakaroon ng sobrang tubig na na-trap sa iyong katawan. Maaaring ito ay isang kondisyon na dulot ng pagbubuntis, sak!t sa puso, bato o atay.
Pwede rin naman kaya nagkakaroon nito ay sa uri ng iyong lifestyle, pagiging overweight, pagtayo o pag-upo ng matagal, kakulangan sa nutrisyon, kakulangan sa ehersisyo, at mahinang sirkulasyon ng dugo. Narito ang mga natural na tips at remedies kung paano mawala ang pagmamanas!
1. Apple Cider Vinegar
Ang apple cider vinegar ay mataas sa potassium na makakatulong upang ibalik ang potassium level sa iyong katawan at bawasan ang pagmamanas. Mayroon din itong anti-inflammatory properties na nakakabuti sa pamamaga at panan@kit.
* Maglagay ng isang kutsarang raw, unfiltered apple cider vinegar sa isang basong maligamgam na tubig. Inumin 2 beses sa isang araw.
* Maghalo ng 2 kutsarang apple cider vinegar at 2 kutsarang olive oil. Ipahid ito sa apektadong bahagi at imassage 2-3 beses sa isang araw.
2. Luya
Ang luya ay isang natural na diuretic o pampaihi na nakakatulong sa pagtanggal ng manas. Tumutulong itong i-dilute ang sodium sa iyon katawan na sanhi na pagkakaroon ng manas. Mayroon din itong anti-inflammatory effect na nakakapagpabawas ng pamamaga at manas.
* Masahihin ang iyong nagmamanas na parte ng katawan ng ginger oil
* Pwede ring gumawa ng salabat na gawa sa luya at uminom ng 2-3 tasang tsaa araw-araw
3. Lemon Water
Makakatulong ang paglalagay ng lemon sa iyong iniinom na tubig upang mailabas ang mga toxins at ang sobrang tubig sa iyong katawan na sanhi ng pagkakaroon ng manas. Bukod pa doon ay napapanatili nitong hydrated ang iyong katawan.
* Hiwain ang lemon sa dalawa saka pigain upang makuha ang juice nito
* Ihalo ang katas ng lemon sa isang tasang maligamgam na tubig
* Inumin ito araw- araw
4. Water Massage / Hydrotherapy
Ang water massage ay isang paraan upang pagandahin ang lymphatic flow ng iyong katawan at bawasan ang pagmamanas sa iyong mga kamay at paa. Nakakatulong ang mainit na tubig upang pagandahin ang sirkulasyon, samantala ang malamig na tubig ay nakakatulong bawasan ang pamamaga at implamasyon.
* Kumuha ng 2 palanggana, ang isa ay lagyan ng malamig na tubig at mainit na tubig ang isa
* Ibabad ang iyong paa sa mainit na tubig sa loob ng 3 minuto
* Tapos ay ilipat na ibabad ito sa malamig na tubig sa loob ng 1 minuto
* Gawin ang prosesong ito sa loob ng 15 minuto. Ulitin ng maraming beses sa loob ng isang araw.
5. Itaas ang iyong paa
Habang nakahiga, ipatong ang iyong paa sa dalawang unan. Dapat ay mas mataas ang level ng iyong mga paa sa iyong puso. Makakatulong ito na bumalik ang daloy ng dugo sa iyong puso.
6. Mag-ehersisyo
Nakakatulong ang pagkakaroon ng regular na ehersisyo upang maiwasan ang pagmamanas sa iyong mga paa at pinapaganda nito ang tamang sirkulasyon ng iyong dugo sa buong katawan. Magkaroon ng 30 minuto na paglalakad o jogging limang beses sa isang linggo.
Comments
Post a Comment