Ang Aloe Vera o Sabila ay isang uri ng halaman na matagal ng ginagamit sa larangan ng medisina at ngayon ay isa sa mga patok na pampaganda.
Ang katas ng sabila o ang tinatawag na aloe vera “gel” ay sinasabing mabisa sa pag gamot ng sugat, paso at iba pang s@kit sa balat tulad ng eczema, dandruff, h3rpes at iba pa. Sinasabing magandang pampalambot at pampakinis ng balat ang aloe vera gel.
Narito ang ibang benepisyo na maaaring makuha sa pag gamit ng Aloe Vera Gel:
1. Pampakapal ng buhok
Dahil sa iba’t ibang bitamina at sustansyang taglay ng sabila, isa ito sa mga epektibong ginagamit na pampakapal at pampatibay ng buhok. Inilalagay din ito sa buhok upang maiwasan ang pag lalagas na maaaring sanhi ng hindi naalagaang anit.
2. Magaling na lunas sa balakubak
Ang gel na makukuha sa sabila ay mabisang pang gamot ng balakubak. Ang malamig na katas na makukuha rito ay makatutulong upang maibsan ang kati at panunuyo ng anit.
3. Pampabata ng balat
Isa sa magandang epekto ng pag gamit ng aloe vera ay ang kakayanan nitong pabatain ang balat. Dahil sa mga bitaminang taglay nito na mainam para sa pag papaganda at pag papalusog ng balat, siguradong hindi ka mag-sisisi sa pag gamit ng sabila dahil kikinis, lalambot at mababanat ang iyong balat.
4. Gamot sa tigyawat
Ang katas ng sabila ay mabisang pang gamot sa tigyawat. Mas mabilis na nagagamot ng “gel” ang pamumula, pamamaga at pangangati ng ating balat kaya naiiwasan na ang pag lala ng ating tigyawat.
5. Pang gamot sa paso
Magaling na pang lunas sa paso ang katas ng sabila dahil meron itong taglay na “lidocaine” na sinasabing mabisang pang lunas ng mga sunog at paso. Ginagamit ang aloe vera gel bilang pang-unang lunas upang hindi na lumala ang pamumula at pamamaga ng ating balat.
6. Pang bawas sa mga di kanais nais na marka sa ating balat
Maaaring mag-iwan ng hindi magagandang marka sa ating balat ang iba’t ibang pangyayari tulad ng pag-taba at panganganak. Ang biglaang pagtaba na nagdudulot ng matinding pagbabanat ng ating balat ay maaaring magdulot ng “stretch marks” na maaaring matanggal sa pamamagitan ng pag papahid ng katas ng aloe vera sa mga apektadong lugar.
Comments
Post a Comment