Ang sambong ay isang halamang gamot na kalimitan nating naririnig na mabisang pampababa ng altapresyon, pang-alis ng impeksyon sa ihi at iba pang sak!t. Ito ay karaniwang nakikita sa mga bansang may tropikal na klima tulad na lamang ng Pilipinas.
Ang iba’t ibang bahagi ng sambong ay nagtataglay ng mga natural kemikal na maaaring makuhanan ng sustansya na mainam para sa ating kalusugan.
Narito ang iba’t ibang benepisyo na maaaring makuha sa pag gamit o pag inom ng sambong:
1. Maaring gamot para sa sugat
Ang sambong ay sinasabing mainam na pang gamot ng sugat. Maaring dikdikin ang dahon ng sambong at gamiting pantapal sa sugat upang ito ay madaling mag hilom.
2. Gamot sa lagnat
Ginagamit na gamot sa mataas na lagnat ang sambong dahil sa sustansyang taglay nito. Kailangan lang inumin ang pinag-lagaan ng dahon at ugat ng sambong upang mapababa ang lagnat ng isang tao.
3. Sak!t sa bato
Mainam na panglunas sa karamdaman sa bato ang sambong dahil isa itong natural na diuretic na nakatutulong upang mas mapabilis ang pagdaloy ng ihi. Mas napapadaling mailabas ng ating katawan ang mga kemikal na nakukuha natin sa mga pagkain o inumin sa pag inom ng sambong tea.
4. Pang iwas sa sipon
Ang mga sustansyang nakukuha sa sambong ay mabisa bilang unang pang lunas sa sipon. Maaaring inumin ang pinag lagaan ng dahon at ugat upang hindi tumuloy ang sipon.
5. Pantanggal ng Rayuma
Isang katangian na pinapaniwalaan ng nakararami ay ang kakayahan ng sambong na makatulong sa pag tatanggal ng rayuma. Ibababad lang ang parte ng katawan na kumikirot sa maligamgam na tubig na pinaglagaan ng dahon ng sambong upang bumuti ang kondisyon nito.
6. Gamot para sa masak!t na ulo
Ang dinikdik na dahon ng sambong ay nakakatulong upang maibsan ang panank!t ng ulo na nararamdaman. Maaaring itapal ang dahon at katas nito sa parte ng ulo na may nararamdamang kumikirot.
Comments
Post a Comment