Skip to main content

6 Na Pagkain Na Nakakatulong Magpa-baba Ng Blood Pressure Sa Natural Na Paraan!

Ang high blood pressure o hypertension ay isang kondisyon na nakakaapekto sa maraming tao. Ang pagkakaroon nito ay dahil mataas ang pwersa ng daloy ng dugo sa iyong arterial walls o mga ugat. Ito ang pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng stroke at heart attacks.

Mayroong iba't ibang medikasyon upang pababain o i-maintain ang iyong blood pressure. Maaari mo ring baguhin ang iyong lifestyle at diyeta upang maiwasan ang hypertension. Mayroon ding mga pagkain na maaari mong kainin na makakatulong upang pababain ang iyong blood pressure. Narito at alamin ninyo!
1. Baked Potato

Ang patatas ay mayaman sa magnesium at potassium, dalawang nutrisyon na kailangan ng ating puso. Kapag mababa ang iyong potassium level, nagkakaroon ng extrang sodium ang iyong katawan na pangunahing dahilan na nagdudulot ng mataas na presyon. Ang mga ito ay nakakatulong alisin ang extrang sodium sa dugo at pinapaganda ang daloy nito. 

2. Bawang

Ang bawang ay mayroong sangkap na allicin, na mayroong antibacterial at antifungal properties at nakakatulong magpababa blood pressure. Maaaring gumawa ng tsaa gamit ang bawang at inumin ito araw-araw. O kaya naman ay kumain ng 1-2 butil ng hilaw na bawang upang mas mabisa ang epekto nito.

3. Celery

Ang celery at mayroong phytochemical na phtalides na nakakatulong i-relax ang mga tissues sa iyong arterial walls at pagandahin ang daloy ng dugo upang maiwasan ang high blood pressure. Ang tangkay nito ay mababa ang salt content at mayroon pang fiber, potassium at magnesium. Maaaring kumain ng 3-4 tangkay ng celery araw-araw o pwede mo rin naman iblender ang isang tasang pira-pirasong celery at gawin itong juice. 
4. Saging

Ang prutas na ito ay sagana sa potassium na nakakatulong pababain ang mataas na presyon. Ang mineral na ito ay tumutulong isaayos ang epekto ng salt sa katawan at tumutulong sa iyong kidneys upang gumana ng maaayos. Kumain ng 1-2 saging araw-araw.

5. Dark Chocolate

Ang dark chocolate ay mayroong antioxidants na flavanols na tumutulong gawing elastic ang iyong mga ugat o blood vessels. Kaya naman ang pagkonsumo ng maliit na piraso araw-araw ay nakakatulong pababain ang iyong blood pressure. Ngunit mag-ingat dahil maaaring ang iyong sugar level naman ang tumaas kung napapasobra ang kain nito.

6. Sabaw ng buko/ coconut water

Ang sabaw ng buko ay hindi lang masarap ito rin ay sagana sa antioxidants, bitamina at mineral na kailangan ng ating katawan. Mataas din ang potassium content nito na nakakapagcontrol sa iyong blood pressure. Pwede kang uminom ng sabaw ng buko araw-araw dahil tumutulong din itong i-hyrate ang iyong katawan at ibalik ang mga mineral na nawala.

Comments

Popular posts from this blog

Dahilan Ng Pagkakaroon Ng Bukol Sa Likod Ng Tenga At Bakit Dapat Mo Itong Ikabahala!

Nakakapangamba ang tubuan ng bukol sa katawan lalo na't kung nadudulot ito ng pananakit dahil maaari itong maging maagang senyales ng c****r. Ngunit hindi naman lahat ng tumutubong bukol sa katawan ay c*****rous at ilan sa mga ito ay hindi naman nagdudulot ng seryosong komplikasyon. Ngunit ang pagkakaroon ng bukol sa likod ng iyong tenga ay dapat mong ikabahala at huwag pababayaan dahil napakarami palang pwedeng maging dahilan kung bakit ka mayroon nito. At ilan sa mga dahilan na ito ay mapanganib sa kalusugan. Narito at alamin ninyo! 1. Sebaceous cy sts Kung ang bukol sa likod ng iyong tenga ay hindi sumasakit, maaaring dahil ito sa pagkabara ng mga oil producing sweat glands. Ang mga ito ay non-c*****rous. 2. Lymphadenopathy Ito ay isang medical condition na kung saan ang mga lymph nodes mo ay nagkakaroon ng abnormal na paglaki at pagdami. Ang mga lymph nodes ay matatagpuan sa leeg, ulo, kili-kili, at singit. Kaya kung may virus o bacteria na

Narito Kung Paano Alisin ang Tinik sa Lalamunan

Ang mga Pilipino madalas kumain ng isda dahil marami tayong iba't ibang klaseng isda na nabibili sa palengke. Maraming klaseng isda ang maaari nating ihain sa mesa. At kahit anong luto pa iyan mapa prito, inihaw, steamed, sinigang, paksiw, etc. ay gaganahan ka talaga sa sarap. Kaya lang mayroong mga isda na maraming tinik kagaya na lang Bangus.  Sa mga taong madalas kumain ng isda, hindi natin maiiwasan na minsan tayo ay matinik. Kahit maliit lamang na tinik ang nasa ating lalamunan, hindi tayo mapakali sapagkat nagdudulot ito ng hindi komportableng pakiramdam at mayroong pananak!t sa bawat paglunok. Kaya naman narito ang mga makakatulong na paraan na maaari mong gawin kapag ikaw at natinik sa iyong lalamunan: 1. Kumain ng saging pero huwag ito nguyain. Kumain ng maliit na piraso lamang ng saging at saka ito lunukin agad para mapasama ang tinik na nakatusok sa lalamunan.  2. Kumuha ng malaking piraso ng tinapay at isawsaw ito sa

Tips Para Tanggalin Ang Pumasok Na Langgam/Insekto Sa Loob Ng Tenga

Naranasan niyo na bang mapasukan ng insekto o ng langgam sa tenga? Napakasakit talaga nito at hindi ka mapapakali. Bukod sa nakakarinig ka ng parang may naglalakad o pumuputok na tunog sa loob ng inyong tenga. Minsan ay maaari ka pang makagat sa loob o mawalan ng pandinig. Kaya narito ang mga tips kung paano tanggalin ang nakakairitang langgam o insekto na pumasok sa iyong tenga: 1. I-wiggle o galaw galawin ang tenga Subukang galaw-galawin o i-wiggle ang apektadong tenga. Sa paraang ito, maaaring mahulog ang insekto papalabas. 2. Patakan ng langis o baby oil Ang langis ay makakapagpigil sa paggalaw ng insekto o langgam papaloob sa tenga. 3. Patakan ng kaunting tubig Gamit ang dropper o bulb syringe, patakan ng kaunting tubig ang loob ng tenga upang malunod ang insekto. Galawin ang ulo at tenga para lumabas ang tubig. 4. Pahiran ng butil ng asukal ang labas ng tenga Ang matamis na amoy ng asukal ay pang-aakit sa langgam upang lumabas. 5. I-