
Ang pananakit ng puson o menstrual cramps tuwing ikaw ay may regla ay karaniwan nang problema ng mga kababaihan. Isa ito napaka-unkomportableng karamdaman dahil ito ay napakasakit at minsan ay hindi ka makabangon dahil parang napakabigat ng iyong pakiramdam.
Ito ay sanhi ng isang hormone-like substance na prostaglandin na siyang egveg ng pagco-contract ng mga uterine muscles tuwing ikaw ay mayroong menstruation. Kaya narito ang mga home remedies na maaari mong gawin upang mabawasan ang pananak!t ng iyong puson at guminhawa ang iyong karamdaman!
1. Maglagay ng heating pad sa iyong puson
- Habang nakahiga, ipatong lang ang heating pad sa ibabang bahagi ng iyong tiyan o sa iyong lower back.
- Kung wala kang heating pad, maaari gumamit ng water bottle at lagyan ito ng mainit na tubig
- Pwede ka ring maligo sa hot shower upang mabawasan ang sak!t na iyong nararamdaman at marefresh ang iyong pakiramdam
2. Luya
Ang luya ay isang mabisang herbal na gamot laban sa menstrual cramps o dysmenorrhea. Mayroon itong kakayahan na pababain ang level ng pain sa iyong katawan.
- Maghiwa ng maliliit na piraso ng luya saka pakuluin sa loob ng 5 minuto
- Maaaring magdagdag ng konting honey o lemon juice para sa lasa
- Inumin 3 beses sa isang araw
3. Chamomile Tea
Ang chamomile ay mayroong anti-inflammatory at antispasmodic na kakayahan na nakakatulong upang irelax ang iyong puson at ang mga contractions na dagdudulot ng pananakit tuwing mayroon kang regla.
- Makakabili ng chamomile tea sa mga supermarkets at grocery stores
- Ilagay ang chamomile tea bag sa isang tasang tubig at hayaan ito sa loob ng 10 minuto
- Maaaring magdagdag ng konting lemon juice para sa lasa
- Uminom ng 2 tasang chamomile tea sa isang araw tuwing ikaw ay may regla
4. Parsley
Ang parsley ay isang halamang gamot na pamparegla at may kakayahang bawasan ang pananakit ng puson tuwing ikaw ay may regla.
- Magpakulo ng dahon ng parsley sa 1-2 tasang tubig
- Palamigin ng kaunti bago inumin at gawin itong parang tsaa
- Inumin 2 beses sa isang araw upang mabawasan ang pananakit na dulot ng dysmenorrhea
5. Light exercises
Kapag ikaw ay may buwanang dalaw, kadalasan ang iyong katawan ay parang mabigat at mabagal kang kumilos. Ngunit kung gusto mong ma-relieve ang pananakit ng iyong puson, kailangan mong magkaroon ng light exercise gaya ng paglalakad at aerobic exercises upang sumigla ang daloy ng dugo sa katawan at mabawasan ang sak!it na iyong nararamdaman.
6. Uminom ng maligamgam na tubig
Huwag hahayaan madehydrate ang iyong katawan tuwing mayroon kang menstruation. Mas mainam na maligamgam na tubig ang inumin kaysa malamig na tubig dahil mas nakakatulong ito na irelax ang iyong mga cramped muscles sa puson.
Comments
Post a Comment