
Ang milkfish o mas kilala bilang Bangus dito sa Pilipinas ay isa sa mga isda na bukod sa masarap ng kainin sa iba't ibang putahe at sagana pa sa sustansya at bitamina. Ito ay mayaman sa omega 3 fatty acids na nakakatulong sa pagdevelop ng utak at memorya, kumokontrol ng cholesterol level ng katawan at pang-iwas sa pagkakaroon ng heart disease.
Ang regular na pagkain ng bangus ay tumutulong din upang maiwasan ang pagkakaroon ng micronutrient deficiency o ang kakulangan ng sustansya sa buong katawan. Narito pa ang mga magagandang benepisyo na naidudulot sa ating katawan ng pagkain ng BANGUS!
1. Pinapaganda ang kondisyon ng puso at kalusugan ng iyong kidneys
Ang isdang ito ay mayaman sa vitamin B12 na kailangan ng iyong katawan upang maiwasan ang pagkakaroon ng mga cardiovascular problems. Ang bitaminang ito ay siya ring kailangan upang maalis ng iyong kidneys ang dumi o waste ng iyong katawan sa paraan ng pagihi.
2. Nagpapatibay ng buto
Mayaman din ang bangus sa vitamin D, calcium, at phosphorus ang tatlong nutrisyon na kailangan sa pagpapatibay ng ating mga buto. Ang calcium ay tumutulong upang maiwasan ang bone mineral loss na nagiging sanhi ng osteoporosis.
3. Proteksyon sa mga sak!t at implamasyon
Ang bangus ay isa sa mga pinakamaganda pinagmumulan ng omega 3 fatty acids na mayroong DHA at EPA na kailangan ng ating katawan upang maiwasan ang implamasyon.
4. Pang-iwas sa mga tumor
Ang mga fatty acids na matatagpuan sa bangus ay tumutulong upang makaiwas sa pagtubo ng mga tumor sa katawan na nagdudulot ng iba't ibang uri ng k*ns3r.
5. Nagpapaganda ng kalusugan ng utak
Ang mga omega 3 fatty acids, vitamin A, D, at selenium ay mabisang panlaban sa mga komplikasyon sa utak. Tumutulong ang mga bitaminang ito na bawasan ang tyansa mong magkaroon ng Alzheimer's at Parkinson's disease.
6. Nakakatulong iimprove ang paningin o eyesight
Ang pagkain ng isdang ito kung ikaw ay buntis ay benepisyal dahil nakakatulong ito sa fetal development at binabawasan ang tyansa na magkaroon ng vision problems ang sanggol. Ang omega 3 sa bangus ay nakakatulong upang maiwasan ang pagkawala ng paningin.
7. Mayroon itong antioxidants
Ang antioxidant ay kailangan upang maalis ang mga free radicals at toxins sa iyong katawan. Dahil ang bangus ay nagtataglay ng astaxanthin, isang antioxidant, nakakatulong ito sa pagpapa-baba ng cholesterol sa katawan at pagkasira ng balat.
Tnx u for the information
ReplyDelete