Ang menopause ay isang natural na pangyayari na mararanasan ng isang babae kapag siya ay umabot sa edad na 45 pataas. Sa panahong ito, ang buwanang dalaw o regla ng isang babae ay matitigil na at mawawalan na siya ng kakayahan upang magbuntis.
Ito ay hindi isang sak!t, ngunit dahil sa iba't-ibang sintomas na dulot nito ay maaaring magdulot ito ng matinding pagbabago sa buhay ng isang babae. Narito ang mga senyales na ang isang babae ay malapit na siyang magmenopause.
1. Pagtigil o kawalan ng regla
Kung ikaw ay nasa menopausal age na 45-55 taong gulang at hindi naman buntis, ang pagkaranas ng kawalan ng buwanang dalaw o regla sa loob ng isang taon ay isa sa mga maliwanag na senyales na ikaw ay menopause na.
2. Hot flashes
Ang hot flashes ay ang biglaang mainit na pakiramdam ng katawan na maaaring magsimula sa mukha, leeg, o dibdib. Ang balat ay namumula at nagsisimulang magpawis ng matindi. Maaari din nitong pataasis ang iyong tibok ng puso.
3. Hirap sa pagtulog sa gabi o insomnia
Ang pagkakaroon ng night sweats o hot flahes sa gabi ay isang dahilan kung bakit hindi nakakatulog ng maaayos ang isang babaeng dumadaan sa kanyang menopause. Maaaring dahilan din ito ng insomnia o pagkabalisa.
4. Madalas na pagbabago ng mood
Ang babaeng malapit ng magmenopause ay maaaring makaranas ng pabago-bagong mood. Dulot ito ng pagbabago ng kanyang hormones sa katawan.
5. Pagdagdag sa timbang
Dahil sa pagbabago ng hormones sa katawan, nagbabago din ang iyong appetite. Na kung saan, kung ikaw ay nadedepress, mas napapakain ka ng mga matatamis na pagkain gaya ng tsokolate. Kaya ito na rin ang sanhi ng pagdagdag ng iyong timbang.
6. Pagiging makakalimutin
Ang menopause ay nakakaapekto sa isang tao sa kayang konsentrasyon kaya naman mas nagiging makakalimutin ka.
7. Pagbabago sa iyong katawan
Dulot ng hormonal changes, maaaring ang isang babaeng malapit ng magmenopause ay makakaranas ng pagnipis ng kanyang buhok at ang kanyang balat ay nagiging dry.
Comments
Post a Comment