Ang osteoporosis ay isang karamdaman na kung saan ginagawang mahina at marupok ang mga buto sa katawan na maaaring magdulot ng matinding pananakit at fracture. Ang kondisyong ito ay isang isang uri ng progressive d!sease na kung saan habang tumatanda ang isang tao ay may tumataas ang tyansa niyang magkaroon nito at pwede pang lumala.
Ito ay isang karamdaman na karaniwan sa mga babae na natapos magmenopause. Ngunit pwede ring maapektuhan ang mga kalalakihan. Ang sanhi nito ay pwede ring namamana, kakulangan sa nutrisyon, kakulangan sa ehersisyo, paninigar!lyo, at low body weight.
Ano ba ang sintomas ng OSTEOPOROSIS?
- Pananakit ng likod o back pain
- Loss of height o lumiliit ang iyong taas
- Pagkaka-kuba
- Madaling magkaroon ng bone fracture
Narito ang mga bagay na dapat gawin upang maiwasan ang OSTEOPOROSIS:
1. Iwasan ang pag-inom ng softdrinks
Ang mga carbonated na inumin gaya ng softrinks at sparkling water ay pwedeng alisin ang calcium sa iyong mga buto kaya ginagawa itong marupok at mahina. Ito rin ay mayroong excess phospates na nareresulta sa pagkawala ng calcium o calcium loss.
2. Bawasan ang pag-inom ng mga inuming may caffeine
Kung mahilig kang uminom ng kape ay bawasan o iwasan mo na ito dahil nawawalan ka ng 150 mg ng calcium sa iyong katawan habang ikaw ay umiihi.
3. Kumain ng prunes
Nakakatulong ang pagkain ng prunes araw-araw upang mabawasan ang pagkakaroon ng mga fractures at osteoporosis. Ang mga ito ay mabuti sa buto dahil sa kanilang mataas na konsentrasyon ng polyohenols at antioxidants na binabawasan ang tyansang magkaroon ng bone loss. Mayroon din itong dalawang importanteng mineral na boron at copper na kailangan para sa bone formation.
4. Uminom ng gatas araw-araw
Ang gatas ay napakayaman sa calcium na kailangan ng ating mga buto upang maging matibay. Mga mga gatas gaya ng fortified milk ay mayaman din sa bitamina D na kailangan para sa proper calcium absorption.
5. Kumain ng mga maberde at madahong gulay
Nakakatulong ang pagkain ng mga green leafy vegetables gaya ng broccoli, spinach, kale at petchay upang pahintuin ang calcium loss sa iyong mga buto. Mainam din itong source ng potassium at vitamin K.
6. Bawasan ang stress
Ang pagiging stress ay pinapataas ang cortisol level ng iyong katawan, Na kung nararanasan sa mahabang panahon ay nagreresulta sa bone loss. Pinapataas din nito ang iyong blood sugar na nagiging sanhi ng pagkawala ng calcium kapag ikaw ay umiihi. Makakabuting magkaroon ng mga stress reduction exercises gaya ng meditation, yoga, at massage. Pwede rin ang pagkakaroon ng sapat na tulog at pagbabakasyon.
7. Pagkain ng pinya o pag-inom ng pineapple juice
Ang pinya ay mayaman sa manganese na benepisyal sa papigil ng osteoporosis. Kumain ng isang tasang fresh pineapple araw araw o pwede ring uminom ng isang tasang pineapple juice upang bawasan ang tyansang magkaroon ng osteoporosis.
8. Magkaroon ng regular na ehersisyo
Nakakatulong ang pag-eehersisyo ng 30 minuto araw-araw upang maging matibay at malakas ang iyong pangangatawan at labanan ang osteoporosis. Dahil ang pagkakaroon ng regular na ehersisyo ay nagpapabawas sa pagkakaroon ng bones loss at pinapataas ang iyong bone density. Maaaring mag-walking, aerobics, o sumali sa mga sports gaya ng badminton/tennis.
Comments
Post a Comment