Ang pag-tulog ay kailangan ng ating katawan upang magkaroon ng malusog na pamumuhay. Ang isang tao ay kailangan ang 7-8 oras na tulog upang ma-refresh ang katawan at magkaroon ng enerhiya kinabukasan.
Ngunit dala na rin ng iba't ibang gawain natin sa gabi kaya ang ating pagpapahinga at pagtulog ng maaayos ay nagkukulangan at naaantala. Narito ang 10 bagay na iyong ginagawa na hindi napapansin na nakakaapekto pala sa iyong pag-TULOG!
1. Pagtulog ng busog na busog
Hindi maganda ang matulog kaagad matapos kumain sa gabi. Dahil kailangan muna ng iyong katawan na tunawin ang pagkain na iyong kinain. Sinasabi na ang isang sanhi rin ng pagkabangungot sa gabi ay pancreatitis na dahilan ng sobrang pagkabusog at agad natulog.
2. Pagkain ng late dinner
Nakakaapekto rin ang pagkain ng late gaya ng 10 PM pataas dahil kailangan mo munang ipahinga ang iyong katawan 2-3 oras bago ka matulog sa gabi upang maiwasan ang indigestion o hindi natunawan at heartburn.
3. Paggamit ng cellphone bago matulog
Isa na sa mga nakaugalian ng mga tao ngayon ang pagce-cellphone muna bago matulog. Ang gawaing ito ay hindi maganda dahil ang blue light na lumalabas sa iyong gadyet ay mayroong radiation na nakakaantala sa iyong sleep hormone at nakakaapekto sa iyong pagtulog.
4. Pagkain ng citrus na prutas
Hindi rin maganda na kumain ka ng citrus na prutas gaya ng lemon o orange bago matulog dahil maaaring magdulot ito ng heartburn kaya hindi ka makakapagrelax at makakatulog.
5. Paghuhugas ng iyong mukha ng malamig na tubig
Mabuti lamang na linisin ang iyong mukha bago matulog upang matanggal ang dumi at maiwasan ang pagkakaroong ng tiyawat o acne. Ngunit ang paghuhugas gamit ang malamig na tubig ay hindi nakakabuti dahil mas lalo lang nitong gigisingin ang iyong katawan. Mas mainam kung maghugas na lang gamit ang maligamgam na tubig.
6. Irregular na oras ng pagtulog
Ang pabago-bago na oras ng pagtulog ay maaaring makaantala sa iyong circadian rhythm o body clock kung tawagin. At isa ito sa mga dahilan kung bakit minsan ang isang tao ay nakakaranas ng kakulangan sa tulog.
7. Pag-inom ng kape
Ang kape ay mayroong caffeine, isang stimulant na pampagising at pampa-alerto ng utak. Kaya iwasang uminom ng kape sa gabi dahil mahihirapan kang makatulog.
8. Pag-eehersisyo bago matulog
Ang pag-eehersisyo ay paraan ng paggising sa iyong katawan dahil pinapasigla nito ang daloy ng dugo. Ngunit kung ginawa mo ito bago matulog ay baka mahirapan kang makatulog. Mainam na gawin ito sa umaga.
Comments
Post a Comment