
Hindi lahat ng mga artistang nasa showbiz ay nanggaling sa mayamang pamilya. Ang iba sa kanila bago pa man sila sumikat at yumaman ay naranasan muna nila ang hirap ng buhay. Hindi ba't nakaka-inspire na kung ano man ang meron nila at narating ngayon ay dahil sa kanilang tiyaga, determinasyon, at pagpupursigi sa kanilang trabaho.
Narito ang mga celebrities na nagsimula "from rags to riches":
1. Coco Martin
Bago pa man sumikat si Coco Martin ay naranasan muna niyang makapagtrabaho bilang isang waiter noon. At dahil sa kagustuhan din niya na mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya ay nagtrabaho siya bilang isang OFW sa Canada. Nang bumalik siya sa Pilipinas, nadiskubre siya sa pag-arte sa mga indie films.
2. Ejay Falcon
Bago pa man manalo si Ejay sa reality tv show na Pinoy Big Brother at nag-artista, naranasan niyang tumigil sa pag-aaral dahil sa financial problems ng kanyang pamilya. Noong nasa elementary pa lamang siya ay iniwan na siya ng kanyang ina. At nalaman na lang niya na mayroon na itong ibang pamilya.
3. Julia Montes
Sanggol pa lang si Julia nang iniwan na siya ng kanyang ama na German sa kanyang ina na may kapansanan at naranasan ang hirap ng buhay. Ang lola niya ang nag-alaga at nagpalaki sa kanya bago pa siya madiskubre at sumikat sa showbiz.
4. Karla Estrada
Bago pa nagkaroon ng magandang career sa showbiz ang anak ni Karla na si Daniel Padilla, ay naranasan muna niya at ng kanyang mga anak ang hirap ng buhay. Bilang isang single mom, naitaguyod niya ang kanyang pamilya sa pagsali sa mga singing contest bago pa siya tuluyang madiskubre sa showbiz. At dahil na rin sa career ng kanyang anak kaya nagkaroon sila ng kanilang sariling bahay.
5. Vice Ganda
Bago pa tuluyang nakilala si Jose Marie Visceral aka "Vice Ganda" ay naranasan niya ang hirap ng buhay noong kabataan pa lamang niya. Nanggaling siya sa isang simpleng pamilya na nagtitinda lang ng mga basahan noon sa Tondo. At hanggang nadiskubre siya sa pagiging stand-up comedian sa mga comedy bars.
6. Nora Aunor
Sinong mag-aakala na ang Philippine cinema's "Superstar" na si Ms. Nora Aunor ay nagtitinda lamang siya ng mani at bottled water noon sa istasyon ng tren bago siya nagkaroon ng iconic image sa publiko.
Bago madiskubre si Jericho sa segment ng Eat Bulaga na Mr. Pogi, ay naranasan muna niyang magtinda ng isda kasama ang kanyang ina na isa ring vendor sa isang public market. Para maitaguyod ang kanyang pag-aaral, nagtrabaho siya bilang service crew sa isang fastfood restaurant at naging barker ng jeep. Naranasan din niya ang magutom at walang makain. Pero ngayon naman ay proud owner na siya ng sikat na restaurant na Kuya J's.
8. Marvin Agustin
Isa si Marvin Agustin sa mga artistang sumikat noong 90's lalo na nang naging kalove-team niya si Jolina Magdangal. Pero bago pa siya naging artista ay naranasan niya ang magpalipat lipat ng iba't- ibang trabaho gaya ng pagiging mascot, waiter, at clerk. Ngayon ay proud owner na rin siya ng mga iba't ibang restaurant.
Comments
Post a Comment