Maraming mga natural na gamot ang siyang maaring gamitin ng tao kung sila ay magtyatyaga lamang maghanap at gumamit ng mga ito kaysa sila ay patuloy na gumamit ng mga kilalang gamot na siyang nabibili sa mga botika at health drug store na wala namang tiyak na kasiguraduhan at madalas pang nagkakaroon ng mga negatibo at hindi inaasahang epekto sa katawan ng tao.
Ang lemon ay naging kilala dahil ito ay may kakayahang makapagbigay ng citric acid na siyang ginagamit na natural na preserbatibo at pampaasaim sa iba’t ibang klase ng mga pagkain at inumin. Sa kabilang banda, ang balat naman ng lemon ay napagkukunan ng pectin na siyang inilalagay sa mga pagkain dahil ito ay may kakayahang makapagpalambot, emulsifier at maging gelling agent. Para sa kaalaman ng iba, mayroon ding langis na siyang nakukuha sa balat ng lemon na siya namang ginagamit sa mga pagkain, gamot at maging sa kosmetik. Ilan lamang ito sa mga patunay na epektibo at tunay na kapanipakinabang ang klase ng prutas na ito.
Narito ang ilan sa mga maitutulong mga dalawang nasabing sangkap para sa katawan mo:
Digestive Tract
Ayon sa isang klase ng pag aaral na siyang ginawa, ang baking soda ay natuklasang may kakayahan upang magalis ng mga toxins sa loob ng katawan ng tao lalo na sa digestive tracts. Ito ay may kakayahang makatulong ng malaki sa paglinis ng tiyan at mapagbuti ang pagtratrabaho nito.
Ang Vitamin C na siyang matatagpuan sa lemonade ay kilala bilang mabisa sa makokontrol ang level ng cholesterol sa loob ng katawan ng tao.
Paglinis sa Atay
Lubos na maganda ang lemon lalo na kung isa ka sa mga tao na ayaw sa tinatawag na full liver detox. Ang laman ng lemon ay kilala dahil sa kakayahan nitong palakasin ang atay at upang malinis din nito ng lubusan ang mga toxins na siyang matatagpuan sa loob ng katawan ng tao. Ang baking soda naman ay mayroong ding kakayahan na katulad ng sa lemon.
Upang makagawa ng isang baking soda lemon water, kakailanganin mo lamang na gawin ay maglagay ng isang kutsarita ng baking soda sa isang baso ng tubig at haluan mo ito ng katas na siyang nanggaling sa kalahating lemon. Haluin mo ito ng mabuti bago mo inumin sa loob ng isang beses sa isang araw. Magugulat ka na lamang sa epekto na maidudulot nito sa iyong katawan.
Comments
Post a Comment