
Hindi maipagkakaila na isa sa kadalasang problema ng mga tao, lalo na ng mga kababaihan ang pag kakaroon ng maitim na kili-kili. Isa sa mga dahilan kung bakit hindi nagsusuot ng sando o walang manggas na damit ang mga babae ay dahil na rin sa kaitiman ng kanilang kili-kili.
Hindi naman maituturing na s@kit ang pagkakaroon ng maitim na kili-kili, ngunit, marahil na rin sa ibang mga nakasanayan natin, tayo na rin ang nakakagawa ng dahilan kung bakit napapaitim natin ang balat na naitatago naman natin.
Narito ang ilan sa mga dahilan kung bakit nangingitim ang Kili-kili ng isang tao:
1. Madalas na pag aahit
Sa pag gamit ng blade o razor sa pag-ahit ng buhok, hindi maiiwasan na masugatan ang ating balat. Dahil sa maliliit na sugat, nagsisimulang mairita ang ating balat na nagiging sanhi ng pag itim ng kili-kili. Maaari lang din maputol ang buhok sa kili-kili kapag ito ay ginamitan ng pang ahit. Ang ugat ng natirang buhok na hindi tuluyang natanggal gawa ng pag-aahit ay isa ring dahilan sa pag itim ng kili-kili.
2. Pag-gamit ng iba’t ibang uri ng “Deodorant”
Isang parte ng pagiging malinis sa pangangatawan ay ang pag gamit ng “deodorant”. Upang maiwasan ang pamamasa ng kili-kili, kadalasan, gumagamit tayo ng mga “anti-perspirant” para mapanatiling mabango at malinis ito. Lingid sa ating kaalaman, ang mga bagay na ito ay naglalaman ng iba’t ibang matatapang na kemikal na maaaring makasama sa ating balat at magbunga ng pangingitim ng kili-kili.
3. Pagsusuot ng masisikip na damit
Ang pagsusuot ng masikip na damit ay maikokonsiderang dahilan kung bakit kadalasan, ang kili-kili ay umiitim. Dahil sa init na bunga ng pagkikiskis ng balat at damit, nag kakaroon ng diskolorasyon ang ating balat.
4. Pamumuo ng mga “de@d skin cells”
Hindi maiiwasan na mamuo ang mga “de@d skin cells” sa ating mga tinatagong balat. Isa sa nirerekomenda ng eksperto ay ang pag “eexfoliate” o pag gamit ng scrub upang matanggal ang mga balat na nag dudulot ng hindi magandang kulay sa ating kili-kili.
Maaring masolusyonan ang pagkakaroon ng maitim na kili-kili sa pamamagitan ng mga sumusunod na paraan:
1. Tawas kapalit ng “Deodorant”
Pag gamit ng tawas upang hindi pag pawisan ang kili-kili at ipalit ito sa nakasanayang gamitin na “deodorant”.
2. Paglalagay ng Pipino o Cucumber
Tulad ng patatas, mayroong natural na sangkap ang pipino na mainam sa pagpapaputi ng maitim na balat.
3. Kalamansi bilang pampaputi ng Kili-Kili
Ang kalamansi ay pinaniniwalaang isa sa mabisang pampaputi ng maitim na balat. Ito rin ay sinasabing mainam na pang alis ng mga mikrobyo at de@d skin cells sa ating katawan.
4. Paggamit ng Baking Soda
Isang paraan ng paggamit ng Baking Soda ay ang pag lalagay nito sa maitim na parte ng kili-kili. Maaring gawing pang hilod ang baking soda na makatutulong sa pag tatanggal ng mga dry skin. Maliban sa mura na, madali pa itong hanapin sa kahit saang tindahan. Ihahalo lang ang baking soda sa konting tubig upang makagawa ng paste at maaari na itong gamitin bilang pang hilod.
5. Paggamit ng “Coconut Oil”
Ang coconut oil ay nag tataglay ng “Vitamin E” na mabisang pampaganda ng balat. Ihihilod lang ito sa maitim na parte ng kili-kili at iiwanan ng sampung minuto pag katapos ay pwede ng hugasan. Maari rin itong gamitin ng dalawa hanggang tatlong beses sa isang lingo hanggang mapansin mo ng gumaganda at pumuputi ang iyong kili-kili.
Comments
Post a Comment