Isa sa pinaka importanteng parte ng katawan ng isang tao ang atay. Kadalasan, sa mga nakasanayan na rin nating paraan ng pamumuhay at pagkain, hindi na natin naiiwasan magkaroon ng fatty liver o ang kondisyon kung saan ang ating atay ay nababalutan ng taba.
Ilan sa mga senyales ng pagkakaroon ng fatty liver ay ang pagtaas ng kolesterol sa dugo, pagtaas ng blood sugar at uric ac!d. Kadalasan makikita din na ang mga taong may fatty liver ay may malapad na tiyan at mabigat na timbang. Maaaring magpa-ultrasound ng buong tiyan upang malaman kung ang isang tao ay may Fatty liver.
Upang maiwasan ang pagkakaroon ng fatty liver, narito ang ilang mga bagay na dapat mong gawin at dapat iwasan:
1. Tumigil sa paginom ng al@k o kahit anong klase ng inuming may @lk0ho1.
2. Huwag uminom ng kung ano anong gamot o bitaminang hindi naman ikinunsulta sa doctor.
3. Siguraduhing iginagalaw at ikinikilos natin ang ating katawan. Mag ehersisyo ng kahit 30 minutos kada araw.
4. Iwasan kumain ng matataba at matatamis na pagkain. Ang pag-inom rin ng mga inuming may kulay tulad ng soft drinks at juice ay dapat limitahan o kung maaari ay iwasan.
5. Kumain ng masusustansyang pagkain at maraming prutas upang ang katawan ay maging malusog. Ito rin ang maaaring solusyon upang bumaba ang timbang.
6. Kung sobra-sobra ang iyong timbang, nararapat lang na ikaw ay magbawas sa pamamagitan ng pag didyeta at ehersisyo upang ang taba sa atay ay maaaring mabawasan.
7. Huwag kakalimutan bumisita sa doktor upang mag-pakonsulta at manghingi ng tamang gamot na nararapat upang malunasan ang iyong sak!t na nararamdaman.
8. Ang pinaka susi sa pagalis ng fatty liver ay tamang dyeta, pag pababa ng kolesterol at pag gamot sa diabetes.
9. Kumain ng Avocado. Sinasabing ang avocado ay mataas sa “healthy fats” at mayroong kem!kal na nakatutulong makapag pabagal ng pagkasira ng atay.
10. Pagkain ng Sunflower Seeds. Ang sunflower seeds ay mataas sa vitamin E at sinasabing isang “anti-oxidant” na nakatutulong din sa pagpapabagal ng pagkasira ng atay.
11. Pag gamit ng Olive oil kapalit ng ibang mantikang ginagamit sa pagluluto upang hindi lalong madagdagan ang taba sa atay at makatulong ring makapagpababa ng timbang.
Comments
Post a Comment