Skip to main content

Anim Na Epektibong Solusyon Para Sa Makating Balat!


Ang pangangati sa balat ay maaari mong maranasan kahit anong oras. At ang nakakasama pa nito ay minsan mahirap pigilan na kamutin ito kaya hindi mo namamalayan na namumula na at nasusugat mo na ang iyong balat.

Kadalasan, ang rason ng pangangati ay dulot ng pagkadry ng iyong balat. Ngunit mayroon ding iba't ibang dahilan kung bakit bigla na lang mangangati ang iyong balat gaya ng eczema, bulutong, allergy, o kaya naman ay dahil madumi na ito.

Kaya narito ang mga natural home remedies na pwedeng subukan upang mawala ang pangangati ng iyong balat!

1. Magpahid ng yelo o ice cube

Ang paglalagay ng yelo sa balat na makati ay nakakatulong gawing manhid ang paligid ng balat. Mainam din ito na palamigin ang mainit na pakiramdam na dulot ng pangangati.

2. Balat ng saging

Pagkatapos kumain ng saging ay itinatapo na natin ang balat. Ngunit alam niyo ba na maaari niyo itong gamitin sa mga pangangati sa balat. Ang loob ng balat ng saging ay mayroong compound na kayang bawasan ang rash at pangangati. Ipahid lamang ito sa makating balat. 
3. Oatmeal

Ang oatmeal ay isa nang karaniwang home remedy na ginagamit sa mga namumula at makating balat. Dahil ito ay mayroong polyphenols na mayroong anti-inflammatory effect upang bawasan ang matinding pangangati. Ito rin ay ginagamit sa mga skin allergies, eczema at bulutong.


  • Maghalo ng isang kutsaritang pinong oatmeal at tubig upang maging itong paste. Ipahid sa nangangating balat at iwanan sa loob ng 20 minuto bago hugasan. 
4. Aloe Vera

Ang gel ng aloe vera ay may natural na antibacterial at anti-inflammatory properties na makakatulong sa pangangati ng iyong balat. May kakayahan din itong gamuting ang mga sunburns, paso, at rashes dahil mayroon itong cooling effect.
  • Iextract lang ang gel sa dahon ng aloe vera at ipahid ito sa makating balat 
5. Apple Cider Vinegar

Ang acetic acid sa apple cider vinegar ay isang antiseptic na nakakatulong puksain ang mga mikrobyo na nagdudulot ng pangangati at irritasyon. May kakayahan din itong i-neutralize ang acidity ng iyong balat.
  • Kumuha ng bulak at lagyan ito ng purong apple cider vinegar at ipahid sa nangangating balat
  • Maaari rin itong isama sa tubig na pampaligo
6. Umiwas sa paggamit ng matatapang na produktong pambalat

Minsan kaya nagkakaroon ng iritasyon ang ating balat ay dahil na rin sa iba't-ibang produkto na ating ginagamit na mayroong matatapang na kemikal. Ang mga ito ay nagdudulot ng pagkasensitibo o pagkadry ng iyong balat kaya nagkakaroon ng pangangati. 







Comments

Popular posts from this blog

Dahilan Ng Pagkakaroon Ng Bukol Sa Likod Ng Tenga At Bakit Dapat Mo Itong Ikabahala!

Nakakapangamba ang tubuan ng bukol sa katawan lalo na't kung nadudulot ito ng pananakit dahil maaari itong maging maagang senyales ng c****r. Ngunit hindi naman lahat ng tumutubong bukol sa katawan ay c*****rous at ilan sa mga ito ay hindi naman nagdudulot ng seryosong komplikasyon. Ngunit ang pagkakaroon ng bukol sa likod ng iyong tenga ay dapat mong ikabahala at huwag pababayaan dahil napakarami palang pwedeng maging dahilan kung bakit ka mayroon nito. At ilan sa mga dahilan na ito ay mapanganib sa kalusugan. Narito at alamin ninyo! 1. Sebaceous cy sts Kung ang bukol sa likod ng iyong tenga ay hindi sumasakit, maaaring dahil ito sa pagkabara ng mga oil producing sweat glands. Ang mga ito ay non-c*****rous. 2. Lymphadenopathy Ito ay isang medical condition na kung saan ang mga lymph nodes mo ay nagkakaroon ng abnormal na paglaki at pagdami. Ang mga lymph nodes ay matatagpuan sa leeg, ulo, kili-kili, at singit. Kaya kung may virus o bacteria na

Narito Kung Paano Alisin ang Tinik sa Lalamunan

Ang mga Pilipino madalas kumain ng isda dahil marami tayong iba't ibang klaseng isda na nabibili sa palengke. Maraming klaseng isda ang maaari nating ihain sa mesa. At kahit anong luto pa iyan mapa prito, inihaw, steamed, sinigang, paksiw, etc. ay gaganahan ka talaga sa sarap. Kaya lang mayroong mga isda na maraming tinik kagaya na lang Bangus.  Sa mga taong madalas kumain ng isda, hindi natin maiiwasan na minsan tayo ay matinik. Kahit maliit lamang na tinik ang nasa ating lalamunan, hindi tayo mapakali sapagkat nagdudulot ito ng hindi komportableng pakiramdam at mayroong pananak!t sa bawat paglunok. Kaya naman narito ang mga makakatulong na paraan na maaari mong gawin kapag ikaw at natinik sa iyong lalamunan: 1. Kumain ng saging pero huwag ito nguyain. Kumain ng maliit na piraso lamang ng saging at saka ito lunukin agad para mapasama ang tinik na nakatusok sa lalamunan.  2. Kumuha ng malaking piraso ng tinapay at isawsaw ito sa

Tips Para Tanggalin Ang Pumasok Na Langgam/Insekto Sa Loob Ng Tenga

Naranasan niyo na bang mapasukan ng insekto o ng langgam sa tenga? Napakasakit talaga nito at hindi ka mapapakali. Bukod sa nakakarinig ka ng parang may naglalakad o pumuputok na tunog sa loob ng inyong tenga. Minsan ay maaari ka pang makagat sa loob o mawalan ng pandinig. Kaya narito ang mga tips kung paano tanggalin ang nakakairitang langgam o insekto na pumasok sa iyong tenga: 1. I-wiggle o galaw galawin ang tenga Subukang galaw-galawin o i-wiggle ang apektadong tenga. Sa paraang ito, maaaring mahulog ang insekto papalabas. 2. Patakan ng langis o baby oil Ang langis ay makakapagpigil sa paggalaw ng insekto o langgam papaloob sa tenga. 3. Patakan ng kaunting tubig Gamit ang dropper o bulb syringe, patakan ng kaunting tubig ang loob ng tenga upang malunod ang insekto. Galawin ang ulo at tenga para lumabas ang tubig. 4. Pahiran ng butil ng asukal ang labas ng tenga Ang matamis na amoy ng asukal ay pang-aakit sa langgam upang lumabas. 5. I-