Skip to main content

Ano Nga Ba Ang Dahilan Ng Sleep Paralysis? Narito Kung Paano Ito Maiiwasan!






ANO BA ANG SLEEP PARALYSIS?

Ito ay hindi magandang pakiramdam na hindi mo gugustuhing maranasan. Kung nakaranas na kayo ng natutulog ngunit gising ang iyong utak o diwa, hindi makagalaw at makapagsalita at pakiramdam mo na may nakadagan sa iyo, tiyak kayo ay nakararanas ng sleep paralysis.

Ito ay isang karanasan na hindi mo malilimutan dahil sa dinadala nitong pangamba. Ito ay may dalawang uri ang hypnagogic sleep paralysis at hypnopompic sleep paralysis.

1. Hypnagogic sleep paralysis ay ang nangyayari bago ka pa makatulog dahil binabaliktad nito ang normal na pagtulog ng isang tao at pinapanatili nitong gising ang utak at nag reresulta ito sa hindi makontrol na katawan o ito ang tinatawag na sleep paralysis.




2. Hypnopompic sleep paralysis naman ay nangyayari tuwing sa buong kalaliman ng pagtulog. Nararamdaman ang kondisyong ito na gising ang itong utak o diwa at alam mo ang nangyayari sa iyong kapaligiran. Ngunit hindi mo maigalaw ang iyong katawan at pakiramdam mo na napakalakas na ng iyong pagsasalita pero ang totoo ay sobrang hina nito at halos walang makarinig. Dala ito ng pagkaparalisa ng iyong mga muscles.

Maiiwasan ito sa pamamagitan ng mga sumusunod:

1. Pagkakaroon ng sapat na tulog

Maiiwasan ang sleep paralysis sa pamamagitan ng pagkakaroon ng sapat na tulog. Matulog lamang ng  8-10 oras dahil nakakatulong ito upang marelax at maging malusog ang isipan at katawan.

2. Gumamit ng antidepressant na medikasyon

Sa paggamit ng antidepressant medication ay makakatulong sa pagiwas sa sleep paralysis dahil ito ay nakatutulong sa sleep cycle ngunit mahalaga na ikonsulta muna ito at ang iyong kondisyon sa doktor.


3. Umiwas sa stress

Ang pagiisip ng mga problema, sa trabaho o anu pa mang isipin na nagdudulot ng stress ay dapat iwasan para maiwasang maranasan ang sleep paralysis. Iwasan din ito lalo na bago matulog.

4. Magrelax 

Nakakatulong ang pagrerelax upang mapahinga ang iyong katawan at isipan. At sa pamamagitan nito mas bababa ang tiyansa mong makaranas ng sleep paralysis.

5. Tamang paghiga sa pagtulog

Nakakatulong ang paghiga sa iyong kaliwang tagiliran upang magkaroon ng maaayos na daloy ng dugo sa iyong katawan. Mabuti rin ito upang maiwasan ang sleep apnea o ang kawalan ng hininga habang natutulog. 

Comments

Popular posts from this blog

Dahilan Ng Pagkakaroon Ng Bukol Sa Likod Ng Tenga At Bakit Dapat Mo Itong Ikabahala!

Nakakapangamba ang tubuan ng bukol sa katawan lalo na't kung nadudulot ito ng pananakit dahil maaari itong maging maagang senyales ng c****r. Ngunit hindi naman lahat ng tumutubong bukol sa katawan ay c*****rous at ilan sa mga ito ay hindi naman nagdudulot ng seryosong komplikasyon. Ngunit ang pagkakaroon ng bukol sa likod ng iyong tenga ay dapat mong ikabahala at huwag pababayaan dahil napakarami palang pwedeng maging dahilan kung bakit ka mayroon nito. At ilan sa mga dahilan na ito ay mapanganib sa kalusugan. Narito at alamin ninyo! 1. Sebaceous cy sts Kung ang bukol sa likod ng iyong tenga ay hindi sumasakit, maaaring dahil ito sa pagkabara ng mga oil producing sweat glands. Ang mga ito ay non-c*****rous. 2. Lymphadenopathy Ito ay isang medical condition na kung saan ang mga lymph nodes mo ay nagkakaroon ng abnormal na paglaki at pagdami. Ang mga lymph nodes ay matatagpuan sa leeg, ulo, kili-kili, at singit. Kaya kung may virus o bacteria na

Narito Kung Paano Alisin ang Tinik sa Lalamunan

Ang mga Pilipino madalas kumain ng isda dahil marami tayong iba't ibang klaseng isda na nabibili sa palengke. Maraming klaseng isda ang maaari nating ihain sa mesa. At kahit anong luto pa iyan mapa prito, inihaw, steamed, sinigang, paksiw, etc. ay gaganahan ka talaga sa sarap. Kaya lang mayroong mga isda na maraming tinik kagaya na lang Bangus.  Sa mga taong madalas kumain ng isda, hindi natin maiiwasan na minsan tayo ay matinik. Kahit maliit lamang na tinik ang nasa ating lalamunan, hindi tayo mapakali sapagkat nagdudulot ito ng hindi komportableng pakiramdam at mayroong pananak!t sa bawat paglunok. Kaya naman narito ang mga makakatulong na paraan na maaari mong gawin kapag ikaw at natinik sa iyong lalamunan: 1. Kumain ng saging pero huwag ito nguyain. Kumain ng maliit na piraso lamang ng saging at saka ito lunukin agad para mapasama ang tinik na nakatusok sa lalamunan.  2. Kumuha ng malaking piraso ng tinapay at isawsaw ito sa

Tips Para Tanggalin Ang Pumasok Na Langgam/Insekto Sa Loob Ng Tenga

Naranasan niyo na bang mapasukan ng insekto o ng langgam sa tenga? Napakasakit talaga nito at hindi ka mapapakali. Bukod sa nakakarinig ka ng parang may naglalakad o pumuputok na tunog sa loob ng inyong tenga. Minsan ay maaari ka pang makagat sa loob o mawalan ng pandinig. Kaya narito ang mga tips kung paano tanggalin ang nakakairitang langgam o insekto na pumasok sa iyong tenga: 1. I-wiggle o galaw galawin ang tenga Subukang galaw-galawin o i-wiggle ang apektadong tenga. Sa paraang ito, maaaring mahulog ang insekto papalabas. 2. Patakan ng langis o baby oil Ang langis ay makakapagpigil sa paggalaw ng insekto o langgam papaloob sa tenga. 3. Patakan ng kaunting tubig Gamit ang dropper o bulb syringe, patakan ng kaunting tubig ang loob ng tenga upang malunod ang insekto. Galawin ang ulo at tenga para lumabas ang tubig. 4. Pahiran ng butil ng asukal ang labas ng tenga Ang matamis na amoy ng asukal ay pang-aakit sa langgam upang lumabas. 5. I-