Isa sa pinaka masarap na inumin lalo na tuwing tag-init ang Buko Juice. Masustansya at mababa sa asukal, sinasabi na ang coconut water o buko juice ay isa sa mabisang anti-oxidant na mayaman sa mga bitaminaa tulad ng vitamin C at B-Complex. Marami ring mineral na makukuha sa paginom nito tulad ng iron, calcium, magnesium, manganese at zinc.
Ang mga sustansyang makukuha sa coconut water ay mabisang pampalakas ng ating sistema. Isa din sa mga magandang katangian ng buko juice ay ang taglay nito na plant hormone na tinatawag na “cytokinins” na mabisang “anti-aging”.
Para malaman ang mga benepisyong maaaring makuha sa paginom ng buko juice, narito ang ilang halibawa:
1. Mabisa itong pantanggal uhaw at iwas “dehydration”
Isa ang buko juice sa mga masasarap na inuming mabisang pantanggal ng uhaw. Dahil sa electrolyte composition na taglay nito, ginagamit din ang buko juice tuwing ang katawan natin ay na de-dehydrate o naglalabas ng sobra sobrang tubig lalo na kapag tayo ay nag-susuka, nagtat@e o nagpapawis. Mapagkukuhaan din ito ng carbohydrates na nakakapagpataas ng ating enerhiya.
2. Pampababa ng Altapresyon
Ang buko juice ay mabisang pampababa ng high blood dahil sa taglay netong Vitamin C, potassium, at magnesium. Upang mapababa ang altapresyon, maaaring uminom ng fresh coconut water dalawang beses sa isang araw.
3. Pantanggal sa sak!t ng ulo
Ang sak!t ng ulo o headache ay kadalasan sanhi ng de-hydration ng katawan. Sa pag inom ng coconut water, natatanggal ang nararanasang dehydration at naiibsan ang sak!t ng ulo. Maaari ding matanggal ang migraine dahil sa taglay na magnesium ng buko juice. Sinasabi na ang magnesium daw ay mabisang pantanggal ng migraine.
4. Magandang pang proteksyon sa atay
Ang buko juice ay mabisang natural na gamot para maprotektahan ang ating atay. Ang anti-oxidants na taglay na buko juice ay magandang pantanggal ng masasamang dumi o kemikal sa ating atay.
5. Panlaban sa mikrobyo / Mabisang Anti-microbial
Sinasabi na isang mabisang panlaban ng mikrobyo ang coconut water dahil sa taglay nitong “peptides”. Magandang inumin ang buko juice tuwing ang resistensya ay nanghihina o kapag nakakaranas ng imp3ksyon upang ang katawan ay lumakas.
Comments
Post a Comment