Skip to main content

Check out Daniel Padilla's Beautiful Family Home In Quezon City!




Isa si Daniel Padilla sa mga phenomenal teen icons ngayon. Pero bago pa niya natamo ang kasikatan sa showbiz, ay naranasan niya at ng kanyang pamilya kung paano mamuhay ng mahirap. Lalo na't mag-isa lang ang kanilang ina na nagtaguyod sa kanilang pamilya. Naranasan nila na magpapalipat-lipat ng apartment na tinitirahan at kahit anong oras ay pwede silang palayasin. 

Kaya naman sa pag-asenso niya sa showbiz, ay talaga namang nag-invest siya para makapagpagawa siya ng kanilang sariling bahay na masasabing sa kanila talaga. Narito at silipin niyo ang kanilang napakagandang tahanan!

Napakasimple pero eleganteng two-storey modern mediterranean house ang ipinatayo ni Daniel para sa kanyang pamilya. At eto daw ang pinaka-exciting na moment niya sa kanyang buhay, ang makitang matapos at kumpleto ang kanyang bahay. 


Bubungad pagkapasok sa main door entrance ay ang kanilang sala o living room area. Ang mismong nanay pa ni Daniel na si Karla Estrada ang nagdesign ng mga interiors ng bahay.
Eto ang kanilang elevated seating area na kung saan talagang pinasadya ito ni Karla para sa kanyang mga business meetings sa kanyang mga cliente at partners. 
Makikita rin sa first floor ng bahay ang kanilang dining area na kung saan mayroon itong 10 seater wooden dining table. 
Gusto ni Daniel at ng kanyang ina na lagyan ng maraming bricks ang kanilang bahay. Kaya naman naging disenyo na rin ang arkong ito na humahati sa kanilang kitchen at dining area. 


Matatagpuan naman sa second floor ang kanilang entertainment area na kung saan madalas nagbobonding si Daniel at ang kanyang pamilya. Dito na rin sila nanunuod ng tv.
Eto naman ang sariling kwarto ni Karla na kung saan mayroon din itong sariling bathroom at walk-in closet. 
Ang bookshelf na ito ay isang secret door na mayroong security code. Ito ang papasok papunta sa kwarto ni Daniel. 
Dito naman nakapark ang mamahaling sasakyan ni Daniel na isang black Dodge Challenger na nagkakahalaga raw na 3 milyong piso! 

Ayon sa ina ni Daniel, dapat ay maging priority talaga muna ang magkaroon ng sariling bahay lalo na sa mga baguhan sa showbiz. "Unahin talaga natin ang magkabahay, kasi kahit na anong mangyari, magsara man ang kurtina mo, hindi ka na mangangamba."


Comments

Popular posts from this blog

Dahilan Ng Pagkakaroon Ng Bukol Sa Likod Ng Tenga At Bakit Dapat Mo Itong Ikabahala!

Nakakapangamba ang tubuan ng bukol sa katawan lalo na't kung nadudulot ito ng pananakit dahil maaari itong maging maagang senyales ng c****r. Ngunit hindi naman lahat ng tumutubong bukol sa katawan ay c*****rous at ilan sa mga ito ay hindi naman nagdudulot ng seryosong komplikasyon. Ngunit ang pagkakaroon ng bukol sa likod ng iyong tenga ay dapat mong ikabahala at huwag pababayaan dahil napakarami palang pwedeng maging dahilan kung bakit ka mayroon nito. At ilan sa mga dahilan na ito ay mapanganib sa kalusugan. Narito at alamin ninyo! 1. Sebaceous cy sts Kung ang bukol sa likod ng iyong tenga ay hindi sumasakit, maaaring dahil ito sa pagkabara ng mga oil producing sweat glands. Ang mga ito ay non-c*****rous. 2. Lymphadenopathy Ito ay isang medical condition na kung saan ang mga lymph nodes mo ay nagkakaroon ng abnormal na paglaki at pagdami. Ang mga lymph nodes ay matatagpuan sa leeg, ulo, kili-kili, at singit. Kaya kung may virus o bacteria na

Narito Kung Paano Alisin ang Tinik sa Lalamunan

Ang mga Pilipino madalas kumain ng isda dahil marami tayong iba't ibang klaseng isda na nabibili sa palengke. Maraming klaseng isda ang maaari nating ihain sa mesa. At kahit anong luto pa iyan mapa prito, inihaw, steamed, sinigang, paksiw, etc. ay gaganahan ka talaga sa sarap. Kaya lang mayroong mga isda na maraming tinik kagaya na lang Bangus.  Sa mga taong madalas kumain ng isda, hindi natin maiiwasan na minsan tayo ay matinik. Kahit maliit lamang na tinik ang nasa ating lalamunan, hindi tayo mapakali sapagkat nagdudulot ito ng hindi komportableng pakiramdam at mayroong pananak!t sa bawat paglunok. Kaya naman narito ang mga makakatulong na paraan na maaari mong gawin kapag ikaw at natinik sa iyong lalamunan: 1. Kumain ng saging pero huwag ito nguyain. Kumain ng maliit na piraso lamang ng saging at saka ito lunukin agad para mapasama ang tinik na nakatusok sa lalamunan.  2. Kumuha ng malaking piraso ng tinapay at isawsaw ito sa

Tips Para Tanggalin Ang Pumasok Na Langgam/Insekto Sa Loob Ng Tenga

Naranasan niyo na bang mapasukan ng insekto o ng langgam sa tenga? Napakasakit talaga nito at hindi ka mapapakali. Bukod sa nakakarinig ka ng parang may naglalakad o pumuputok na tunog sa loob ng inyong tenga. Minsan ay maaari ka pang makagat sa loob o mawalan ng pandinig. Kaya narito ang mga tips kung paano tanggalin ang nakakairitang langgam o insekto na pumasok sa iyong tenga: 1. I-wiggle o galaw galawin ang tenga Subukang galaw-galawin o i-wiggle ang apektadong tenga. Sa paraang ito, maaaring mahulog ang insekto papalabas. 2. Patakan ng langis o baby oil Ang langis ay makakapagpigil sa paggalaw ng insekto o langgam papaloob sa tenga. 3. Patakan ng kaunting tubig Gamit ang dropper o bulb syringe, patakan ng kaunting tubig ang loob ng tenga upang malunod ang insekto. Galawin ang ulo at tenga para lumabas ang tubig. 4. Pahiran ng butil ng asukal ang labas ng tenga Ang matamis na amoy ng asukal ay pang-aakit sa langgam upang lumabas. 5. I-