Ang ating tyan ang isa sa mga parte ng katawan na ayaw nating nakikitang tumataba. At kung hahayaan lang natin itong mapunan ng taba ay paniguradong magiging isang malaking problema ito dahil kinakailangan ng pagtyatyaga dahil medyo mahirap itong tabasin.
Karamihan sa atin ay maaring may iba't-ibang paraan na ginagamit upang matunaw ang taba sa ating katawan. Habang ang ilan ay epektibo at ang iba ay hindi, iba iba parin ang maaring maging resulta nito para sa ilan. Isa na ang pag eehersisyo sa paraan upang mabawasan ng taba sa katawan. Ngunit ang problema lang dito ay maaring tumaba ulit kapag itinigil ito.
Narito ang ilang paraan upang mabawasan ang taba ng hindi kinakailangan mag ehersisyo:
1. Balanced Diet
Kinakailangan sa paraan nito ang isang diyeta na mataas sa protina. Mababang sugar level dapat ang halos lahat ng pagkain na kinakain at mataas na fiber. Kinakailangan din kumain ng mga prutas at gulay na maaring tumulong sa diyeta.
2. Uminom ng madaming tubig
Ang pagpapanatili sa sarili na hydrated ay isang paraan upang mabawasan ang timbang. Ang paginom ng tubig ay maaring makatulong upang makaiwas sa anumang mga soda at pati narin ang paginom ng al@k. Isa din ang green tea sa mga nirerekomenda para mabawasan ang taba sa katawan. Pagkatapos kumain ay maaring uminom ng green tea upang mapabilis ang pagtunaw ng taba.
3. Pagiwas sa stress
Isa sa mga rason ng pagtaba ay ang pagkalulong sa mga problema at sobrang pagiisip. Kaya naman dapat umiwas sa mga bagay na maaring makadagdag ng iyong pagiisip o stress. Magkaroon ng oras para magrelax at irefresh ang iyong utak
4. Natural extracts at mga supplements
Karamihan ay maaring gumamit ng mga supplements upang makatulong bawasan ang iyong taba sa katawan. Ngunit ang paginom o pagkonsumo ng ganitong uri ng mga gamot ay kinakailangan ng payo mula sa doktor at kailangan pagaralan muna mabuti ang maaring kalabasan nito.
5. Kumain ng mga pagkaing mayaman sa fiber
Nakakatulong ang pagkain ng mga pagkaing mayaman sa fiber upang mapanatiling laging busog ang iyong tiyan at upang hindi ka mapakain ng marami.
6. Umiwas sa mga matatamis na pagkain at inumin
Ang asukal sa iyong kinakain at iniinom ang siyang nakakapagpadagdag ng iyong timbang. Umiwas sa mga pagkaing matamis at inumin gaya ng mga juice at softdrinks.
7. Sumali sa iba't ibang sports o activities
Kung ayaw mong nagbubuhat ng bakal sa gym o nageehersisyong mag-isa sa bahay, maaari kang sumali sa iba't ibang sports o activities gaya ng badminton, swimming o zumba. Dahil ang pagsali sa mga ganitong klaseng activities ay isa na ring paraan ng ehersisyo. Hindi ka lang magsusunog ng taba kundi mag-eenjoy ka pa!
Comments
Post a Comment