Gawing Natural Tea ang Halamang Serpentina at Inumin ito Araw-araw Panlaban sa Atake sa Puso at Iba Pang Karamdaman
Ang halamang serpentina ay isang medical herb at tinaguriang “The King of Bitters” dahil sa taglay nitong napakapait na lasa. Maraming benepisyo ang maaring makukuha sa halamang serpentina. Maaari itong gamiting gamot sa iba't ibang mga karamdaman.
Kaya’t tunghayan natin ang mga maaaring makuhang benepisyo sa serpentina. Narito at basahin ang mga sumusunod:
1. Diabetes o blood sugar
Ang halamang serpentina ay nakakatulong upang maging maayos at mabalanse ang ating asukal sa dugo. Maganda din itong gamitin pang proteksyon sa mga taong wala pang diabetes. Mainam ang pinatuyong dahon nito bilang kapsula at inumin ng mga taong may matataas na asukal sa dugo at maaari ring ilaga ang dahon ng serpentina at gawin itong inumin na tsaa/tea.
2. Panlaban sa K*ns3r
Ang serpentina ay nagtataglay ng antioxidants properties na panlaban sa mga free radicals na nagdudulot ng k*ns3r. Kaya’t maaring gamiting pang gamot ang halamang ito upang maiwasan at malabanan ang k*ns3r. Mainam na inumin ang pinulbos na halamang serpentina kasama ang ugat nito.
3. Atake sa puso o Stroke
Nakakatulong din ang halamang serpentina sa mga dugong bumabara sa ating mga ugat at muscle ng ating puso. Ang pag-inum ng pinulbos na halamang serpentina ay makakatulong at maari itong gamiting panggamot para maiwasan ang atake sa puso o stroke.
4. Hepatitis
Nakakatulong ito upang matulungan malinisan ang ating atay upang makaiwas o maiwasan ang hepatitis. Pinoprotektahan din nito ang ating atay at gallbladder. Tumutulong ito na panlaban sa mga nakakalasong kemikal sa ating katawan. Ang mainam na gawin ay uminom lamang ng pinakuluang dahon ng serpentina 2 beses sa isang araw.
5. Problema sa period o regla ng mga babae
Mainam na gamiting panggamot o gamot sa pananakit ng puson tuwing araw ng dalaw o regla. Mainam na inumin ang pinulbos o ang nilagang dahon at ugat ng halamang serpentina sa mga babaeng may problema sa buwanang dalaw.
Comments
Post a Comment